Kim Chiu umaming nagkausap na sila ni Maja Salvador

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

4/1/2014 7:00 PM
Kim Chiu umaming nagkausap na sila ni Maja Salvador


040114-ogie_main1.jpg"Nako, andaming nagre-react sa post mo na 'Promo, promo, promo din pag me time," sabi ko kay Kim Chiu nung magtsikahan kami sa Dreamscape Pasasalamat sa Skye Lounge The Fort nung Sunday night.

"Hay, nako, Kuya Ogs, immune na ako sa mga haters. Noon pa naman, ganyan na sila. Sanay na ako," sabi ng aktres. 

Kasi nga, pinalalabas ng iba eh parang pinalalabas ni Kim na ginagamit siya ni Maja Salvador para umingay ang first album nitong "Believe," kaya 'yun ang post niya sa Twitter. 
"Nako, Kuya, wag na kamo nila kaming intrigahin ni Maja, dahil okay na kami, nag-usap na kami!" sabi pa ni Kim. 

“Ah, talaga?” sabi ko. 

1kim.jpg
"Oo, Kuya. Nagkita kami accidentally sa gym. As in last week lang, nagkataon lang talaga. Eh, dati talaga, sa gym kami lagi nagkikita tapos, matagal-tagal ding hindi kami nagkikita doon. Hanggang nagkita kami. Nagkagulatan sa pinto, hahaha. Pero hindi pa rin kami nag-usap. Maya-maya tineks niya ako. Baka daw puwede kami mag-usap. So ako naman, naisip ko, antagal na nito, tapusin na nga para everybody happy. So yun na, okay na kami. Pareho na kaming nakangiti."

2kim.jpg
Alam ko, close na close sila eh. Maibabalik pa ba ang nakaraang friendship? 

3kim.jpg
"Tingnan natin. Malay, hindi ko alam. Come what may na lang siguro," sabi muli ni Kim. 

Sina Kim at ex-boyfriend at current ni Maja na si Gerald Anderson ay bati na rin. Nangyari naman ito sa Dreamscape Pasasalamat. Marami kasi silang common friends doon na naging tulay para itulak silang mag usap at magbati na rin