Kim Chiu and Gerald Anderson reconcile

After Maja Salvador and Kim Chiu’s reconciliation, Kim and Gerald Anderson also patch things up

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/2/2014 7:00 AM
Kim Chiu and Gerald Anderson reconcile


040214-gekim_updates.jpgKompirmado na nga ang pagbabati nina Kim Chiu at Maja Salvador. Ayon sa Aquino and Abunda Tonight, noong Sabado, March 29, tinext diumano ni Maja si Kim at inimbitahan nito si Kim na pumunta sa gym. Pumunta naman si Kim at doon mismo sa gym nagkausap at nagkabati ang dalawa.

Sa sumunod na araw naman, nagkaayos na rin si Kim at si Gerald Anderson sa thanksgiving party ng Dreamscape. Ayon sa mga nasa party, masayang nag-usap si Kim at Gerald at komportable na rin ang dalawa sa isa’t isa. Kumalat din diumano sa social media ang picture ng gabing iyon ni Gerald at ng kapatid ni Kim na si Kam. Nagpapatunay lamang ito na sa maayos na ang lahat sa pagitan ni Kim, Maja at Gerald.

Noong Lunes naman, March 31 isang makahulugang post ang nagmula kay Maja. “Good morning! Positive Monday everyone.” Ang naturang tweet ay may hashtag na “Believe.”

Sinabi ng host na si Kris Aquino na, naniniwala siyang, “Kim is in a good place right now” kung kaya bukas na ang puso nitong magpatawad. Sang-ayon dito si Boy Abunda dahil aniya, “To forgive is divine.” Pinuri din ni Boy na hindi nag-pretend si Maja at Kim na okay sila noong mga oras na hindi sila magkasundo.