Marian Rivera, gagawa ng pelikula with a Kapamilya Actor?

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

3/9/2014 10:45 AM
Marian Rivera, gagawa ng pelikula with a Kapamilya Actor?


030914-marian_darla.jpgMatapos mapanood si Marian sa  ilang shows ng ABS-CBN last year, para sa promo ng pelikula nila Ai Ai delas Alas na Kung Fu divas, nagsimula na ang usap-usapang posibleng masundan pa ang paglabas na ito ng Kapuso star sa Kapamilya network kapag gumawa na siya ng pelikula with an ABS-CBN star.

Matatandaang noon ay napabalitang magkakaroon sila ng movie ng hari ng Kapamilya teleserye na si Coco Martin. Pero matapos itong hindi mag-push through sa ngayon, dalawang pangalan pa ang lumulutang na umano'y posibleng makatambal ni Marian sa pelikula. Sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.

Sa isang panayam sa aktres, hindi nito tahasang kinumpirma ang balita.

"Mahirap kasi magsabi na 'ah oo gagawa ako ng movie with John Lloyd, gagawa ako ng movie with ganito' hangga't di pa nagsisimula yung isang project. Parang minsan mahirap magsalita kasi ang daming nababago like kay Coco Martin before dapat may gagawin kaming pelikula hindi natuloy. So, siguro kapag nandyan na, may script na at nagrorolling na kami, siguro yun masasabi ko na, na matutuloy na talaga," pahayag ni Marian.

Pero dagdag niya, may dalang excitement sa kanya ang isang project with an artist na hindi pa niya nakakasama.

"Oo naman, kahit sino ang makatrabaho ko na bago para sa akin, ay excited akong makatrabaho talaga," she said.

Julia Montes reacts to issue na inagaw umano ni Kim Chiu si Coco Martin

In other news, mas lalo pang umiinit ang usapin tungkol sa bagong primetime teleserye ng ABS-CBN ngayon, ang "Ikaw Lamang" na pinagbibidahan nina Coco Martin at Kim Chiu, kasama sina Jake Cuenca at Julia Montes. May mga nang-iintrigang nagkaroon daw ng agawan, nang ipartner si Kim kay Coco - na matagal na ring kapareha ni Julia Montes mapa-TV man o pelikula.

Pero bago pa lumala ang isyu ay nilinaw na ni Julia na walang agawang nangyari.

"Wala namang agawan, happy po ako kasi of course nakatrabaho ko siya ulit and si Kim iba kasi yung rapport namin ditong tatlo. Ano ba si Mona sa kanilang dalawa and masaya po ako na matanggap yung role ni Mona kasi iba nga po, paano ko ipapakita sa tao na iba yung past na ginawa namin ni Coco na project, iba rin po yung ngayon," sabi ni Julia.