• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong: 'Ito ang ginagawa kong paglaban sa ginagawa nilang pagpapabagsak sa akin”

Vhong: 'Ito ang ginagawa kong paglaban sa ginagawa nilang pagpapabagsak sa akin”

Vhong Navarro submits a counter-affidavit to the rape case filed by Roxanne Cabanero.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/6/2014 10:05 PM
Vhong: 'Ito ang ginagawa kong paglaban sa ginagawa nilang pagpapabagsak sa akin”


030614-vhong_Main.jpgSa report ni Adrian Ayalin para sa TV Patrol, nagsumite na ng counter-affidavit ang kampo ni Vhong Navarro bilang sagot sa isinampang kaso ni Roxanne Cabanero laban sa host. Kasama ni Vhong ang tatlong back-up dancers, isang concert producer, kapatid ni Vhong at isang personal assistant na nagpapatunay na noong hapon ng April 24, 2010 hanggang sa madaling araw ng April 25, 2010 ay nasa Island Cove siya para sa concert ni Vice Ganda. Kaya diumano, imposible ang sinasabing rape ni Roxanne sa Pasig. Kasama nito ang affidavit ni Vice Ganda na nauna na nitong sinumpaan.
 
Kasabay nito nagsampa rin ng kasong perjury si Vhong Navarro laban sa beauty contestant na si Roxanne at sinabi nitong, “masyado nilang dina-down ang aking pagkatao na wala naman akong ginagawang krimen ng pangre-rape.” Ito raw ang ginagawa niyang “paglaban sa ginagawa nilang pagpapabagsak sa akin.” Nagpapasalamat din ang aktor sa lahat ng nag-witness para mapatunayan niya ang kanyang pagka-inosente.
 
Ayon sa abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, malapit na matapos ang kasong ito sapagkat’t marami ang nagpapatunay na wala naman talagang naganap na rape. 
 
Sa March 13 maghaharap ang dalawang kampo para sa preliminary investigation.

TO WATCH VIDEO CLICK HERE