• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado and Toni Gonzaga say 'Starting Over Again' made their friendship stronger

Iza Calzado and Toni Gonzaga say 'Starting Over Again' made their friendship stronger

Iza Calzado and Toni Gonzaga say that they really bonded over their scenes in 'Starting Over Again.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/7/2014 4:41 AM
Iza Calzado and Toni Gonzaga say 'Starting Over Again' made their friendship stronger


030714-izatoni_main.jpgSa laki ng tagumpay ng pelikulang Starting Over Again na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at Iza Calzado, hindi natatapos ang kanilang pasasalamat sa naging suporta ng tao dito. At kahit sa ikatlong linggo nito ay kumikita pa rin at napupuno pa rin ang mga sinehan, kaya naman ibinabahagi ni Toni ang saya na kayang nararamdaman. “Ang sarap, ang saya. Sabi nga namin parang sulit lahat ng pagod, ng hirap, lahat ng iniyak namin, lahat ng pinaghirapan. Pero mula sa puso namin lahat ni Iza, ni PJ ni Inang (Olivia Lamasan), ni Tita Malou (Santos) at ng buong Star Cinema, maraming salamat po sa lahat ng nanoood, sumuporta at tumanggap ng pelikulang inilatag namin sa inyong lahat. Masaya kami kasi handa na ang Pilipino sa ganitong klaseng pelikula.” 

Si Iza ay hindi lang nagpapasalamat sa sumuporta na nakuha nila mula sa mag manonood, kung hindi nagpapasalamat siya na napakalaking pagkakataon na binigay sa kanya para mapabilang sa pelikula. “Sobrang grateful ko na nabigyan ako ng pagkakataon na mapasama sa pelikulang sobrang unexpected ko bilang ako. When I was doing it, I had no idea that it would be this big and I am thankful dahil sobrang galing ng mga bida and ng lahat ng bumubuo ng pelikula from Inang and lahat ng mga artista sobrang grateful ko na napasama ako at napabilang. Sobrang grateful ko din na inaalagaan ni Inang yung role ko kasi marami ding natuwa kahit konting eksena lang,” paliwanag ni Iza na agad kinontra ni Toni. “Anong marami? Lahat nga natutuwa sa iyo. May bago nang standard ng kagandahan. Kailangan kamukha mo si Mama Mary. Kung hindi mo kamukha si Mama Mary, hindi ka talaga.”

Parehong natawa ang dalawa at inamin ni Iza na dahil dito ay nakaramdam siya ng bigla ng pressure. “Nakaka-pressure kasi kapag naglalakad ako tinatawag ako na Mama Mary. So thank you po sa lahat ng nanonood, yung iba pa nga more than three times.”

Hindi lang ang mga manonood ang paulit-ulit na nakapanood ng pelikula, maging sila ay makailang ulit na rin nakapanood. Si Iza, dalawang beses napanood ang Starting Over Again, at si Toni naman ay limang beses na. Aniya, “Lahat sinasamahan ko, si Ate Kris (Aquino), si Ate Charlene (Gonzales) nanood kami. Lahat ng gustong manood sinasamahan ko. ‘Manonood ka, halika samahan kita.’ Sinasamahan ko silang lahat, si Vice (Ganda) sinamahan ko.” 

Ibinahagi din ng dalawang bituin ang kanilang mga nararamdaman sa tuwing napapanood nila ang mga sarili nila sa sinehan. Kay Iza, “Weird eh.” Si Toni naman, “Ako naman naaalala ko kung kailan araw shinoot yung scene na yun. Kung anong buwan yun shinoot, ‘Ah October ito.’… Alas-kwatro ng umaga, ala-sais ng umaga.”

At nang matanong si Toni sa kanyang reaksiyon sa nababalitang pagiging Box-Office Queen ng aktres, “Ano ka ba? Siyempre si Iza din.” At agad namang nagsalita si Iza sa sinabing ito ni Toni habang nakatingin siya sa kaibigan, “Alam mo kailangan mong tanggapin Toni. Tayong lahat ipinakitang pinaghirapan niya talaga yun at pati toes mo binigay mo lahat,” na pabirong sinegundahan din ni Toni, “Wala akong tinira sa sarili ko.”

Pagdating naman sa kanilang pagkakaibigan, naging bukas naman ang dalawa sa publiko maging sa kanilang mga Instagram post tungkol sa pagiging malapit nila sa isa’t isa. “Actually matagal na kaming friends ni Iza, pero dito parang nasolidify kung gaano siya kabait.” Dagdag pa ni Iza, “Alam mo sa kitchen scene namin na-bond talaga kami ng todo dun. Sobrang nakakatuwa talaga. Kasi si Toni nung nasa kabila pa, a few times nagkakawork kami dun at hindi siya nagbago. Parang hindi niya pina-feel sa akin na Si Toni Gonzaga ako’ ganyan.”