Aktres, nanunumbat ng European trip na di naman niya binayaran?

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

03/06/2014 10:20 PM
Aktres, nanunumbat ng European trip na di naman niya binayaran?
ogieblinditem.jpgHanggang ngayon ay isinusumbat ng aktres na siya ang sumagot sa honeymoon trip ng isang couple na kaibigan niya.  Na ang ipinangangalandakan pa nito'y pati mga dokumento sa European trip ay siya ang umayos.

Shocked boogie naman si misis na aktres, dahil "Wala akong natandaang sinagot niya ang trip namin ng asawa ko.  Ang totoo, wala kaming balak mag-Europe tour. Siya ang nag-alok na all-expense paid pa.  So kami naman, teka sayang naman ‘yon. Lalo na't regalo ng kaibigan. So kami naman, ginrab namin.

”Ipinaayos namin ang mga dokumento, dahil 'yun ang sabi niya eh.  Tapos, eto na.  Ayos na lahat ang papel. Ang nakakalokah, siya, deadma.  Hindi nagpaparamdam!  'Yung ticket namin sa eroplano, wala pa.  So, pano na ang trip namin?  Ang ending, juice ko, kami ang gumastos sa buong trip."

Hindi na raw nila ginambala since then ang aktres hanggang sa, "Nabasa ko na lang sa status niya sa fb na sinusumbatan niya 'ko na wala raw akong utang na loob. Matapos daw niyang sagutin ang Europe tour namin ng mister ko eh malalaman na lang daw niya na kampi ako sa asawa niyang kalaban niya ngayon.
       
"Juice ko naman, hello!  Ano'ng pakialam ko sa away nilang mag-asawa?  Alangan namang nagkita kami ng asawa niya eh hindi ko babatiin?  Hindi naman porke kaaway niya asawa niya eh dapat kaaway ko na rin.  Tapos, sasabihin niya,  siya nagbayad ng trip namin? Eh, ni singkong duling, wala naman siyang contribution.  Ni hindi namin na-enjoy ang trip, dahil tipid-tipid kami dahil nga hindi na siya nagparamdam."

Kaya ang tanong ko diyan ay, "Ano'ng tinira ng aktres para i-claim na siya ang sumagot sa Europe tour?  Sabi ko nga sa kausap kong aktres na "pinagtripan" ang "Europe trip" nila ng mister nito, "Huwag ka nang ma-highblood sa kaibigan mo.  'Yun ngang mga kapatid, hindi niya makasundo eh.  Ikaw pa kayang kaibigan lang?"