• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino admits being in love, says, 'Utang ko sa kanya na bigyan ko siya ng privacy'

Kris Aquino admits being in love, says, 'Utang ko sa kanya na bigyan ko siya ng privacy'

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/6/2014 6:33 AM
Kris Aquino admits being in love, says, 'Utang ko sa kanya na bigyan ko siya ng privacy'


030614-Kris_Main.jpgNagpunta sa Makati Regional Trial Court ang dating mag-asawang Kris Aquino at James Yap. Pinag-usapan nila ang regular na visitation rights ni James sa kanilang anak na si Bimby o James Yap Jr. Ang visitation rights ni James kay Bimby sa ngayon ay isang beses sa isang linggo. Sinabi naman ni Atty. Cristina Sulit na pwede pa naman ito mabago.

Gulat si James sa magandang pagsalubong sa kanya ni Kris at sinabi nitong mukhang “love, love, love” talaga ang lahat. Nagpasalamat din ito kay Kris at nakuha pa nitong magbiro.  Salamat kay Kris na okay na ang lahat, na hindi na siya galit sa akin kasi in love yata to e.”

Nagpasalamat din si James kay Kris sa maayos na pagpapalaki nito kay Bimby. “Salamat sa kanya sa pagpapalaki niya sa anak ko, na nakikita ko naman na mabait at tama yung pagpalaki. Sisikapin kong mapantayan yung ginagawa niya.”

Inamin naman ni Kris sa Aquino and Abunda Tonight na hindi siya nakatulog kagabi at pumunta siya sa Baclaran Church para magdasal dahil, “gusto ko talaga to move on from all of this and to move on with a happy and peaceful heart.”

Napakalaking bagay diumano para kay Kris ang ginawang acknowledgement ni James sa kanyang mabuting pagpapalaki kay Bimby. “I just wanted to say na thank you kay James, kasi yun lang naman talaga e. I think lahat ng naghiwalay at nagkaroon ng problema, ang hinintay lang naman nila ay i-acknowledge na naging mabuting magulang sila, lalo na kung nasa poder mo na sabihin na you’re doing a good job as a mother.”

Ang naganap daw na pagkakasundo nila ay “sign ng maturity” nilang dalawa. Taos puso rin na sinabi ni Kris na maligayang maligaya na siya para kay James.

Bilang pagtatapos, tinanong ng host na si Boy Abunda kung ano ang naging sagot ni Kris kay James ng sabihin nito na in love siya. Walang kaabog-abog na sinabi ni Kris na ang sinagot niya ay “oo.” Dagdag pa ni Kris na alam niya na utang niya sa publiko na ikwento niya ang buhay niya ngunit “utang ko sa kanya na bigyan ko siya ng privacy at katahimikan at sana iregalo niyo na po sa amin yun.”

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.com