Julia Montes admits that she and Coco Martin remain close

Julia Montes says that nothing has changed between her and Coco Martin and that they remain close friends.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/6/2014 6:55 AM
Julia Montes admits that she and Coco Martin remain close


030614-Julia_main.jpgSa nalalapit na pagpapalabas ng Ikaw Lamang na pinagbibidahan nila nina Kim Chiu, Jake Cuenca at Coco Martin, muling naiungkat ang totoong kauganayan ni Julia Montes at Coco. Noon pa man bukas na ang binata sa paghanga niya kay Julia kaya naman nang matanong ng Push.com.ph ang young actress tungkol sa estado nilang dalawa, aniya, “Kapag may mga events nagkikita kami at mahirap naman kung ako ang sasagot nito. So yung friendship namin wala namang magbabago sa friendship namin lalo pang lumalalim yung friendship.”

At aminado din siyang wala pa ring nagbabago sa kanilang dalawa lalo pa ngayon at muli silang nagkakasama sa teleserye. “Close pa rin, walang nagbago.

Dagdag pa ng dalaga tungkol sa pagiging katrabaho ni Coco, “Kasi kapag ka-work ko siya lagi talaga ako natututo and ayun mabait talaga siyang tao so naging close din.

Alam ng lahat na parehong laki sa lola sina Coco at Julia. Malapit na malapit si Julia sa kanyang lola at aminado itong mas tumatayong ina ang kanyang lola sa kanilang magkakapatid. Laging ibinabahagi ni Coco na ang mga “maka-lola” ang una sa kanyang listahan ng ideal girl kaya naman nang mahingi ang reaksiyon ni Julia tungkol sa sinabing ito ni Coco, “Wow! Na-shock naman ako dun. Siguro naman marami din namang maka-lola diyan so hindi din natin alam kung sino ang tinutukoy niya.”

At nang diretsuhin ng tanong si Julia kung saka-sakali ba ay may pag-asa pa rin si Coco sa kanya, “Basta ang laging sinasabi ko mabait siyang tao and kapag nakikita mo talaga siya wala kang makikitang masamang tinapay.” 

Pagdating naman sa pagkakaibigan ni Julia at Kathryn Bernardo, hindi pa rin natitigil ang mga opinyon na lumalabas sa mga social media sites na kahit magkasabay sila sa showbiz ay naungusan na ni Kathryn si Julia lalo pa at ibinigay ang titulong ‘Teen Queen’ kay Kathryn. Hindi din naman pressured si Julia na matapatan ang naging tagumpay ng patapos na serye nina Kathryn at Daniel Padilla at ibinahagi rin niya ang kanyang damdamin tungkol dito. “Wala, kasi sabi ko na from the start iba na talaga yung friendship namin na kahit anong issue ang ibato sa aming dalawa, wala.