Maja Salvador denies breakup with Gerald Anderson

Rumors of Maja and Gerald's alleged split spread after the latter's picture with former gf Kim Chiu circulated on the net.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

3/4/2014 10:52 PM
Maja Salvador denies breakup with Gerald Anderson


030414-maja_main.jpgSinging diva na rin ngayon ang dancing diva na si Maja Salvador, at maging siya ay hindi rin makapaniwala na malapit nang i-launch ang kanyang music single na pinamagatang "Dahan-dahan." Ayon sa kanya, kailangan na niyang "i-embrace" na singer na siya.

Ayon sa report ni Marie Lozano, sa "TV Patrol," nadiskubre ng isang recording label ang singing talent ni Maja sa isa sa kanyang mga dance concert shows. Matapos nito nag-voice lessons agad  si Maja. Gusto niyang sumunod sa mga yapak nila J-Lo at Beyonce. Sa Pilipinas naman, sa tingin daw niya nasa gitna siya ni Sarah Geronimo na isang total performer at ni Anne Curtis na ine-enjoy ang kanyang mga performances.

Sa gitna naman ng paglabas ng mga picture na magkasama si Gerald Anderson at ex-girlfriend nito na si Kim Chiu, umugong ang balita na hiwalay na si Maja at nobyo nitong si Gerald. Ngunit sagot naman ng dalaga, hinahayaan na lang nila ang mga tao na isipin ang gusto nilang isipin, kasi mas maganda raw ang tahimik. At magkasama lang daw ang Kimerald dahil sa isang endorsement. Sa katunayan daw, todo-suporta si Gerald sa kanyang singing career.

WATCH THE VIDEO HERE
WATCH THE VIDEO ON ABS-CBN.COM