Luis Manzano at Angel Locsin, magpapakasal na this year?

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

3/4/2014 5:15 PM
Luis Manzano at Angel Locsin, magpapakasal na this year?


030414-angel_main - Copy.jpgMatapos maging official muli ang relasyon nina Luis Manzano at Angel Locsin noong February 7 – sa taping ng Minute To Win It, maugong ang usap-usapan ngayon na balak nang mag-settle down ng dalawa. Pero mukhang kelangan pa muna nating i-delay ang ating excitement, dahil malabo raw na mangyari ito ngayong 2014.“Hindi naman siguro, it’s very hard to mount a wedding especially that it’s already Feb di ba? So siguro we’ll wait next year siguro,” ang sabi ni Luis sa interview sa kanya ng Cinemanews.

Ibig bang sabihin ng “we’ll wait next year” ay talagang maghahanda na sila for a 2015 kasalan?

“We’re thinking. There’s nothing formal, there are no concrete talks, we’re not talking to any church pa naman… you know I’m 32, I’ll be turning 33. Siya naman she’ll be turning 29 so di ba it’s a thought already. It’s a lingering thought,” walang pag-aalinlangang sagot ng tv host-actor.
Tungkol naman sa naging balikan nila on national television, hindi raw nila ito pinag-usapan ni Angel.

“Siguro naging trigger lang pero kung baga we were both working on the relationship and siguro dun lang naging mitsa na officially we’re back together.”

Kelan man maganap ang Manzano-Colmenares wedding, basta alam ko maraming masaya for them. At kung “lingering thought” na raw ang planong pag-iisang dibdib ng dalawa, naku… maghanda na tayong maka-scoop dahil malamang, this year na mangyari ang proposal! Ka-excite!