What’s next for Jessy Mendiola?

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

3/31/2014 1:20 PM
What’s next for Jessy Mendiola?


033114-darla-jessy.jpgMatapos ang hot serye niyang Maria Mercedes, at ang pagiging very controversial niya dahil sa dami ng lalaking gustong manligaw o nanligaw sa kanya… marami ang nagtatanong ngayon, lalo na sa kanyang mga tagahanga, kung ano ang susunod na pagkaka-abalahan ni Jessy.

Tinext ko si Jessy the other day para kamustahin siya. What’s next for her, particulary sa kanyang career? “Movie and a lot of endorsement shoots hehehe,” ang sagot sa akin ni isa sa pinakamagandang Kapamilya actresses ngayon. 

Habang abala sa shooting ng pelikula at mga TV commercials, baka naman nawawalan na siya ng oras for her heart? Ano na ang nangyari sa maraming manliligaw niya, matapos mapabalitang tumigil na sa panunuyo ang isa sa mga ito na si Sam Milby? Ibig bang sabihin, hindi pa talaga siya ready pumasok sa panibagong relasyon?

Hindi pa po ako ready, tsaka wala pa po yung right one. Hindi naman po ako nagmamadali,” ang sabi ni Jessy.

Kaya to all the boys out there na may crush o balak na maligaw kay Jessy, malinaw po na wala siyang special someone ngayon. Malay niyo kayo na yung right one na hinihintay niya! Hehehe! 

Thanks Jessy for always, as in always, replying to me. Sana lahat tulad mo. Hehehe!