Senator Sonny Angara says he voted for Pia Wurtzbach

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/31/2014 7:01 PM
Senator Sonny Angara says he voted for Pia Wurtzbach


PUSH-SonnyAgara.main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual, naging patok ang Question and Answer portion ng Binibining Pilipinas 2014. Malakas ang sigawan at palakpakan kapag maganda ang sagot ng mga contestants. Ang iba naman “tinimbang ngunit kulang” sa Q and A kaya umani rin sila ng hagalpak mula sa audience. Naging katatawanan diumano ang tanong ni Melanie Marquez na mahaba ang pasakalye bago ang tanong, na tinapatan naman ng gano’n ding sagot ng contestant na, “All we need is beauty and it’s how you share and how you inspire other people and through that, we can achieve unity and it goes on and on and on.

Ngunit ang pinaka-kontribersyal ay ang pagtanong ni Senator Sonny Angara sa Filipino sa dating ABS-CBN contract star and crowd favorite na si Pia Wurtzbach. Ayon sa abs-cbnnews.com, pakiramdam daw ng ibang netizens ay naging “alienated” ang ibang foreigner judges ng dahil dito, na naging sanhi ng pagkatalo ni Pia.

Giit naman ni Senador na ipinaliwanag niya ang sagot ni Pia sa iba pang hurado na nagustuhan din ang sagot nito. Dagdag pa ng Senador na pinaboran niya sa kanyang iskor si Pia. Naniniwala si Senator Angara na dadating din ang time para kay Pia katulad ni MJ Lastimosa. Ayun naman sa iba pang hurado, 10 percent lang sa total score ang Q and A at mas malaki pa rin ang porsyento na nakalaan para sa ganda ng mukha at katawan.