MJ Lastimosa admits she wasn’t sure she was going win

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/31/2014 7:00 PM
MJ Lastimosa admits she wasn’t sure she was going win


040114-MJLASTIMOSA_MAIN.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, inamin ni Mary Jean Lastimosa na bago siya idineklarang Bb. Pilipinas Universe 2014, naiiyak na diumano siya kasi “she was praying so hard,” kasi “pinipilit ko na si Lord na papanalunin ako.” Katabi niya noon si Pia Wurtzbach, pero hindi na diumano iniisip ni MJ kung sino ang katabi niya. Hindi rin diumano niya tinitingnan ng judges after their deliberation kaya sinabi niya sa kanyang sarili na hindi siya mananalo.

At nandoon na rin siya sa acceptance na kung hindi siya manalo sa pangatlong attempt niya na masungkit ang korona, ay hindi na uli siya lalaban. Kakaiba rin sa ibang beauty queen na nauna sa kanya, wala si MJ tawag sa kanyang lakad, na pinuri ng host na si Boy Abunda.

Marami rin ang bumabatikos kay MJ na isa siyang retokadona itinaggi niya. Iba iba diumano ang hitsura niya sa tatlong pageants dahil lang sa “styling.” Kontrobersiya din diumano ang paglipat niya ng grupo. Wala naman daw siyang ibang dahilan kundi gusto lang niya ng “change of environment.”

Kahit na may mga pinagdaanang ganito, naniniwala si MJ na “there’s a perfect timing for everything.” Kuntento siya sa naging sagot niya sa pageant at sa tingin niya naging masaya rin sa sagot niya ang kanyang mga supporters. Sa ngayon daw, ayaw niya muna magpa-pressure sa paghahanda sa Ms. Universe pageant, kasi nagsi-sink in pa lang ang pagkapanalo niya at ini-enjoy niya muna ito. At kung may pasasalamatan si MJ ay walang iba kundi “si Lord talaga.”