Vice Ganda wishes for a normal love life

Vice becomes emotional during his interview with Boy Abunda on Buzz Ng Bayan.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

3/31/2014 12:23 AM
Vice Ganda wishes for a normal love life


033114-vice_main.jpg“Isang linggo na akong baliw. Natatawa ako kay Direk Bobet, [sabi niya] ano nanamang kinababaliwan mo? Hindi ko alam, bigay mo na isang linggo lang to. Paglagpas ng birthday ko tapos na ‘to. Di ko alam,” Vice Ganda told Boy Abunda on how he is celebrating his birthday.  

Bigla akong nalulungkot. Basta bigla na lang akong nalulungkot. Kung ano-ano ang naiisip ko. Tapos lagi kong tinatanong sa sarili ko, ‘Masaya ba ko? Masaya ba ‘to?’ Lagi na lang akong ganun,” the comedian confessed about still being confused on what would make him happy. “’Yun nga po yung chine-check ko lagi, lately kung totoo nga bang masaya ako, masaya ba talaga. Kasi sa Showtime laging masaya. Sa GGV, masaya. Pero pagtapos ng Showtime yung ako na lang, masaya ba talaga? Masaya din naman. Pero di ko alam. Naguguluhan din ako,” Vice added.  

He also explained that there is this longing he has for something he can’t do at the moment. “Maisip po kasi akong tao talaga. Tapos tahimik lang ako talaga. Alam ng mga kaibigan ko yan. Hiindi ako maingay, hindi ako madaldal, hindi ako patawa. Lagi lang akong taga pakinig nila, kaya nga lagi akong nakakabuo ng materyal sa mga naririnig ko, sa mga kwento nilang lahat. Kasi pag mag-isa na lang ako, dyan ako nagiisip. Ang dami kong gustong gawin. Kaya ako nalulungkot, may gusto ako na hindi ko magawa.” 

Soon Vice revealed to Boy that he is looking for something more in the aspect of his personal life. “Sa career ang dali eh. Nagagawa ko lahat. Napaplano, lahat halos ng gusto kong mangyari sa career ko nangyari na eh. Nagugulat nga ako na may itotodo pa pala. Sa personal … Sa pag-ibig hindi naman settling down. Di ko naman nakikita ang sarili ko na magpapakasal. Hindi. Kasi yung dyowa ko mag-aasawa din naman yun for sure. Gusto ko mag-asawa siya. Sinasabi ko sa kanya pag nag-aaway kami, mangbabae ka nga … Gusto kong mag-asawa siya feeling ko magiging masaya din naman siya don.”

Vice said he is willing to sacrifice his happiness for the sake of his loved one. “Feeling ko sa bandang yun, selfless ako. Pag nakita ko na ah okay siya, ang saya niya doon, bahala na ako sa sarili ko, basta ikaw okay ka.” He also said that it may hurt him but he is willing to give way to that other person. “
As for the status of his love life, he expressed it is hard to describe it as of the moment. “Hindi naman stable pero masaya din. Masaya. Hindi ko talaga ma-explain kasi po nahihiya akong sabihing di masaya, baka magalit sa akin ang Diyos. Baka sabihin ang dami ko nang binigay say o, pero di ka pa din masaya? Di ba kaya bumabalik pa din na tao ako, meron pa din akong hinahanap na di ko alam sa ko mahahanap. Yun nga, yung nakwento ko sa inyo na gusto kong lumabas, tulad mamaya may party ako, imbitado ko lahat, pati mga barkada niya. Pero siya hindi. Hindi siya pwedeng pumunta eh. Yun na yung set up namin. Alam niya lang na may party pero di  siya pwede.”

Vice then became emotional and said he is probably longing for a ‘normal’ love life. “Masaya sana. Siguro yung pinaka-tamang term eh yung ‘normal.’ Mas masaya kung normal. Eh di nga normal. That’s the price. Mamimili ka. Pag ginive up ko naman to para maging normal may mawawala.”

The comedian divulged too that the best thing about being him is being able to make people happy. “The best thing about being Vice today is yung meron akong kapangyarihan na makabago ng mukha ng isang tao. Na mula sa malungkot pwede siyang maging masaya. The best thing about being me now is nabigyan ako ng pagkakataon makapagshare ng magagandang bagay sa ibang tao. Lalo na sa Pilipinas ang daming dahilan para maging malungkot ang Pilipino pero nakapagbigay ako ng isang dahilan para maging masaya.”

However, he also mentioned that fame is also his downfall. “‘Di naman sa pagmamayabang the best thing and the worst thing about me is fame. That’s the best thing pero ang dami din nag-ugat na problema doon. Madaming masasayang bagay na nangyari sa kin nung binigyan ako ng pagkakataon na makilala ng tao, ang dami din nawala sa akin.”