Magandang actress, may 'busaki'?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

3/3/2014 4:09 PM
Magandang actress, may 'busaki'?


ogie.jpg
By this time siguro ay nakapag-ahit na ng kanyang malagong buhok sa kilikili ang magandang aktres, dahil siguro, may nagtimbre sa kanya na pinag-uusapan ang kanyang underarm hair sa isang premiere night recently kung saan ang lakas pa daw ng loob nitong mag-off-shoulder pero nu'ng once in a while ay itinataas-taas na nito ang kilikili para hawiin ang mahabang hair ay du'n din naghe-hello ang buhok.

Sa ibang countries, kapag walang buhok sa kilikili ang babae, ang pakahulugan no'n ay "prostitute" ang girl, kaya naman hindi na big deal 'yon.  Pero dito sa 'Pinas, hindi natin naging kultura ang mag-invest ng buhok sa kilikili ang mga dalaga.

Sana nga ay 'wag na nating makita ang mga buhok na 'yon sa kanya, kasi, baka tuklawin siya ng ahas.  Megano'n?  Meganon nga, kaya shave-shave din pag me time.

Hindi na 'ko magbibigay ng initials, ha? Pero ang initials niya ay matatagpuan sa bio-data o application form kung saan full name natin ang isinusulat natin, di ba? Meganon?

Bigla ko tuloy naalala ang isang noontime show host na nu'ng nalasing sa isang bar ay inagaw ang microphone sa host at bumirit ito ng kanta ng Aegis.  Pero nu'ng tinaas ang kilikili ‘pag mataas ang birit ay bumulaga ang mga siyam na hibla ng hair dito!  

Kalokah nga, 'andaming young actors ang nandu'n na na-turn-off sa babaing ito.  Talagang clarong-claro sa paningin ng mga bisita sa audience that time na ang lola mo ay may "busaki."  
As in "buhok sa kilikili."  

Kaya sa mga girls out there, ha?  Bahagi ng inyong hygiene na walang makakapuslit na busaki ninyo. Or kung nanghihinayang kayong bunut-bunutin 'yan o i-shave eh mag-polo long sleeves na lang kayo. Claro?