• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo's grand 18th birthday celebration is for her fans

Kathryn Bernardo's grand 18th birthday celebration is for her fans

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/4/2014 5:55 AM
Kathryn Bernardo's grand 18th birthday celebration is for her fans


030414-kathryn_main.jpgSa ulat ni Marie Lozano para sa TV Patrol, isa sa mga magiging pakulo ng debut ng sikat na teen star na si Kathryn Bernardo ay ang “video selfie.” 

At dahil hindi naman daw talaga pangarap ni Kathryn ang malaking 18th birthday celebration, alay daw niya talaga ang kanyang debut sa kanyang mga fans na “parang dalawang taon pinag-ipunan at in-imagine” ang espesyal na araw na iyon para sa kanya. Dalawa ang magiging party ni Kathryn para ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa March 26.

Ang nag-disensyo ng kanyang gown ay ang designer to the stars na si Francis Libiran na nagsabing ang gusto ni Kathryn ay light shade at very dainty details para sa kanyang gown. Kaya naman misty rose ang magiging kulay ng gown ng Got To Believe star. Ang motif naman ng debut ay black, white at pink na pasok sa vintage feel ng event.

Sinabi ng aktres na hiling niya sa kanyang kaarawan na kumanta ang kanyang katambal na si Daniel Padilla. Dahan-dahan din diumano ang makikitang pagbabago sa kanya ng mga tao sa pagtuntong niya ng legal age. Pagdating naman sa estado ng relasyon, hindi raw muna siguro magbabago ang kanyang status, bagkus “eenjoyin” muna nila ang isa’t isa ni Daniel ng walang “labels.”