Aktres papilit sa Aktor Boyfriend na umattend ng party!

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

03/30/2014 12:30 AM
Aktres papilit sa Aktor Boyfriend na umattend ng party!
033014-ogie.jpgWeird palang girlfriend itong si Aktres na may image na maldita.  'Wag na 'wag siyang pangangakuan ng boypren niyang Aktor para hindi siya nag-e-expect. 

Just recently ay napilitang um-attend ang magdyowa sa isang surprise birthday party ng isang aktor din na super close sa boypren niya.

But prior to that eh talagang nagkaroon pa ng pilitan, dahil ayaw ngang lumabas ni Aktres ng bahay at ang sabi nito, "Dito na lang tayo sa bahay magkulong.  'Wag na tayong pumunta sa party.  Hindi ka naman siguro aawayin niyan kung wala ka du'n, 'no!"

Pero eventually, napabihis na rin ang Aktres at pinagbigyan na lang ang boypreng Aktor na sila'y um-attend na ng birthday. At 'yun nga ang nangyari,  um-attend sila, pero halatang hindi nag-e-enjoy ang aktres sa party.  Pag tinitingnan siya ng boypren ay mapakla ang ngiti niya na kunwari, enjoy na enjoy siya.  Tsumitsika na rin sa ibang bisita, pero after 30 minutes,  umalis na rin sila.  At umuwi na ng kanilang "batcave."

Eto na ang siste.  Alam n'yo ba kumbakit napapayag ni Boyfriend ang girlfriend na sumama ito sa birthday?

Dahil ang binitiwang salita ng boypren sa girlfriend ay,  "Sige, pag hindi ka sumama sa akin,  hindi kita tatabihan mamaya sa kama.
Hindi kita lalambingin mamaya at hiwalay tayo ng kuwarto."

Kaya alam n'yo na siguro nu'ng sila'y umuwi, ‘di ba?  Isang umaatikabo at masigabong "bonding moments" ang naganap. Hahahaha!

Hay, nako... sandali nga at mukhang may tao sa labas ng gate.  "Sino yaaan??!!  Sino nga yaaaan!!!"

Next clue.

Tuklasin n'yo kung paano ko nalaman na may tao nga sa labas ng gate.