Who is Kris Aquino’s inspiration according to James Yap

The basketball player says he isn't surprised Kris is dating a politician.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/28/2014 10:35 PM
Who is Kris Aquino’s inspiration according to James Yap


032814-kris_main.jpgSa ulat ni Marie Lozano para sa TV Patrol, kinilalang “Male Newsmaker of the Year” sa isang online entertainment site ang basketball player na si James Yap. Nakatabi niya sa event ang komedyanteng si Aiai Delas Alas. Matatandaang nakairingan niya noon si Aiai ngunit nagkaayos na rin ang dalawa. 

Kamakailan lang din, tuluyan nang nagka-ayos si James at ang dating asawa na si Kris Aquino. Nang tanungin siya kung sino ang inspirasyon ni Kris ngayon, sinabi ni James na hindi sa kanya sinabi ni Kris kung sino ngunit sinabi daw sa kanya ni Kris na isa itong politician. Sagot pa ni James kung nagulat siya, “hindi naman na ako nagugulat na e, basta kung sa’n siya masaya maganda yon.”

Ayon sa ulat, mainit diumano sa tabloid at social sites ang pag-uugnay kay Kris and Quezon City Mayor Herbert Bautista.