• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla speaks up about the possibility of changing religions for Kathryn Bernardo

Daniel Padilla speaks up about the possibility of changing religions for Kathryn Bernardo

Daniel Padilla says that the possibility of changing his religion depends on what will happen in the future between him and Kathryn Bernardo.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/28/2014 8:20 AM
Daniel Padilla speaks up about the possibility of changing religions for Kathryn Bernardo


032814-daniel_main.jpgSa presscon para sa concert ni Daniel Padilla na Dos na gaganapin sa April 30, natanong ang tinaguriang Teen King kung ano ang magiging pagkakaiba nito sa nauna niyang sold-out concert sa Araneta. “Sa pangalawa, mas ano ito eh, mas sexy ito eh. Hindi ako, yung mga kanta ang mas sexy.” Masaya si Daniel na sa pangalawang pagkakataon ay makakapagtanghal ulit siya sa Araneta Coliseum. “Masaya at magkikita-kita tayo ulit ng mga supporters natin at ng mga relatives na hindi din masyadong nakikita kaya yun excited ako.”

Sa laki ng naging concert niya noong nakaraang taon at sa tagumpay nito, sinabi ni Daniel na hindi naman niya hangad na higitan ito. “Wala naman akong balak higitan yun, mas gaganahan lang yun. Wala naman talagang okay mas maganda yung una dapat mas gandahan yung pangalawa. Gagalingan lang basta ayoko lang talaga na ano mag-expect ng masyado pero maganda talaga ito.”

Nang mapag-usapan ang kanyang ka-love team na si Kathryn Bernardo, naikwento ni Daniel na binigyan nila ng surprise birthday party ang dalaga sa mismong birthday nito nung March 26, at naibigay ang regalo niyang aso na pinangalanan nilang Snow. “Si Snow nga ang binigay ko… nung una ang gusto niya Golden Retriever e may nagbigay na sa kanya.” At nang may nagtanong na kung ibang manliligaw ba ni Kathryn ang nagbigay sa kanya nun, “Ah hindi, subukan nun,” na biglang itinawa ng ibang press na naroon.

At ang pagpapatuloy ni Daniel sa kwento ng regalong aso, “Ayun so, tapos ayun nga dapat nga bibigyan ko pa rin siya pero ayaw niya. Si Kathryn kasi masyadong, grabeng dog lover yan. Nakokonsensiya talaga yan kapag naiisip niya na hindi niya naalagaan ang isang ano [aso] niya kaya sabi ko sige hindi ko na lang ibibigay umiyak pa nga yan eh kasi sabi ko sige hindi ko na ibibigay. Umiyak siya kasi baka daw yung aso nag-expect na makukuha na siya so umiiyak siya.
Nagsalita na rin si Daniel tungkol sa relihiyon ni Kathryn na Iglesia ni Cristo na mahigpit na ipinapatubad ang patakarang nilang magkaparehas ng relihiyon ang magiging karelasyon. Nasabi naman ni Daniel na kailanman ay hindi naging isyu sa kanila ni Kathryn ang pagkakaiba nila ng relihiyon ngunit nang matanong kung handa ba siya, kung sakali, na magpa-convert, “Darating pa nga yan sa mga desisyon at mga mangyayari.”

Kahit na ayon sa dalawa ay hindi pa opisyal ang kanilang relasyon, sinabi ni Daniel na hindi niya naiisip ang manligaw ng ibang babae. “Manliligaw, hindi na tama yun, Parang binigay mo na ang sarili mo sa isang babae tapos biglang manlililigaw ka ng ibang babae. Hindi gawain ng lalaki yun.” 

Nagsimulang mabuksan ang usapin ng panliligaw sa presscon naman ni Kathryn para sa kanyang 18th birthday at sinabi din nitong walang nanliligaw sa kanya at sinabi nitong matagal na siyang nakabantay kay Kathryn. “Matagal na. Matagal niyo na rin itong naririnig.” Ngunit pagdating sa paghihintay sa panahon kung kailan pwedeng maging opisyal ang kung anumang namamagitan sa kanila, “Sabi ko nga wala ako dun sa hintay ng hintay na nag-aabang, ako kasi kumbaga kung ano yung moment ngayon dun ako. Ayoko ng minamadali yung mga bagay kasi kung minamadali yung mga bagay maraming mga bagay na hindi magandang mangyayari.”