Ngunit ayon sa singer hindi naman ibig sabihin nito na hindi na siya nakakaramdam ng kaba. “Without a doubt laging may kaba, kasi lagi akong afraid kasi paano kung walang tao? Yun ang nasa isip ko, kahit saan mapa-abroad, ganyan. Yun ang concern ko, paano kung walang tao? I think it’s good to have that kaba, maganda yun eh para hindi ka kampante ‘di ba? May kaba kung paano kung magkamali, or ano pero nakakatawa yung mga tao na kapag mas lalo akong magkamali, mas lalong sumisigaw.”
Ngunit aminado si Anne na hindi niya inasahan na magpasa-hanggang ngayon, na magiging malaking tagumpay ang kanyang naunang concert na Annebisyosa. “The concert no, the album expected kasi ako nga yung producer so sabi ko mag-aalbum ako ulit. Then Viva said, ‘Why don’t you do a concert na rin?’ ‘O sige, game ako.’”
Para sa concert na ito, inaya ni Anne ang boyfriend na si Erwan Heussaff na magkaroon sila ng duet. Kwento ni Anne, “Yeah, I asked him to sing with me at the concert, gusto ko mag-‘Say Something’ or whatever duet kung ano, ayaw.” Umayaw man sa duet ang kanyang boyfriend na narinig niya nang kumanta noon sa concert ni Solenn Heussaff, hindi naman niya ito ikinatampo o ikinasama ng loob. Kahit na nung tinanong niya si Erwann kung bakit sa concert ng kapatid niyang si Solenn kumanta siya pero hindi siya makakanta sa concert niya. “Hindi, kasi nung sinabi naman niya talaga na, ‘What’s ours is ours.’ ‘okay!”
Masaya din si Anne sa sariling mga achievements ng boyfriend na maliban sa pagiging triathlete, host at chef at ay may-ari na rin ng ilang mga bars and restaurants. “Super, duper proud of him, and you know everything that he does is amazing and you know especially when I hear the feedback of other people it makes me proud.”