FIRST HERE : Ara Mina, umaming nakunan!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

3/27/2014 3:50 PM
FIRST HERE : Ara Mina, umaming nakunan!


032714-darla.jpgKakatapos lang naming mag-usap ni Ara Mina, at diretso ko na ngang tinanong sa kanya ang tungkol sa usap-usapang nagbuntis siya pero sa kasamaang palad, ay nakunan kamakailan. 

Totoong nagbuntis siya, inamin sa akin ni Ara. Last year pa raw nila nakumpirma ng kanyang soon-to-be-husband na si Bulacan Mayor Patrick Meneses, na magkaka-anak na sila. Halos isang buwan na raw ang kanyang dinadala nang makumpirma ito ni Ara, noong panahong nagbabakasyon sila ng boyfriend sa Amerika. Rebelasyon pa ni Ara, pagbalik niya rito at paglabas niya sa MMK late last year, ay buntis na raw siya pero pinili lang muna nilang wag ipaalam sa publiko. Gusto sana kasi nila itong gawing sorpresa sa lahat. Pero ang nakakalungkot na pangyayari, December 23, 2013… ay nakunan ang aktres. Kinabukasan ay lumabas na siya ng hospital nang hindi pa nadi-D&C (dilation and curettage) o raspa, para kahit papaano ay makasama ang kanilang pamilya sa araw ng pasko. Pero December 25, pumanaw naman ang kanilang lolo… kaya nagpatong-patong ang pagluluksa nila.

Kwento pa ni Ara, ilang buwan pa ang nakalipas bago siya na-D&C dahil hindi raw siya kaagad nag-bleed. (During her miscarriage, nagkaroon lang daw siya ng tinatawag na “spotting” pero hindi ganun karami ang dugong lumabas sa kanya). February 18 ng taong ito lamang daw siya na-D&C, at kinabukasan ay na-discharge naman siya kaagad. 

Hindi raw kaagad kinumpirma ni Ara ang lumabas na balita tungkol sa kanyang miscarriage, dahil kailangan niya pa syempreng makausap si Mayor Patrick. Maayos naman daw ang kanilang estado ngayon, at maluwag na nilang natanggap ang nangyari. Biro ko kay Ara, baka gusto ni God na magpakasal muna sila bago sila tuluyang makabuo. At pabiro rin akong sinagot ni Ara na baka nga raw siniguro muna ni Mayor Patrick na hindi sila baog. Hehehe. This year ay plano na ng dalawa na makabuo ng sarili nilang pamilya, kaya abang tayo dahil baka may wedding bells na tayong marinig soon hehehe.

Thank you Mare, for always trusting me. Mula noon, hanggang ngayon. Thank you for being a true friend, and yes, dasal lang tayo. Love you, and good luck sa inyo ni Pat!

Post script : Matatandaang noong nag-guest si Ara at Cristine Reyes sa Buzz ng Bayan together – first time after nilang magbati, naging very emotional si Ara. May sinabi si Cristine na may alam siyang balita tungkol sa kanyang ate, pero pinigilan siya ni Ara na sabihin kung ano ito. Yun pala, that time lang din nalaman ni Cristine na buntis ang kanyang ate. Buntis, kaya raw talagang super emotional siya noon.