• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla threatens Kathryn Bernardo's would-be suitors

Daniel Padilla threatens Kathryn Bernardo's would-be suitors

Daniel says suitors have no chance with his ka-love team

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/27/2014 9:15 PM
Daniel Padilla threatens Kathryn Bernardo's would-be suitors


032714-DJ_main.jpg
Sa ulat ni Marie Lozano para sa TV Patrol, dati pa rin daw "very special but not official" ang status ng sikat na love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ngunit ang bago kay Daniel Padilla ay ang kanyang third album at ang almost sold out repeat concert sa Big Dome sa April 30. 

Ayon kay Daniel, magiging mas sexy ang kanyang tunog sa kanyang bagong album. Paglilinaw din niya, "yung mga kanta ang sexy, hindi ako." Mas mature at mas confident na Daniel din diumano ang mapapakinggan ng mga tao sa kanyang 3rd album. Ang kantang "I Heart You" ay handog ni Daniel para kay Kathryn. 

Ayon pa sa singer-actor, wala siyang balak manligaw sa iba. "Bakit ka pa manliligaw, hindi na tama yun di ba, parang binigay mo na ang sarili mo sa isang babae tapos manliligaw ka pa ng iba." At kung may magtatangka man manligaw kay Kathryn, "okay lang naman, kaso masyado ng matigas yung lalaking yun kung manliligaw pa siya.."

Hindi rin daw kelanman naging hadlang ang relihiyon sa kanila ni Kathryn na isang Iglesia ni Cristo, ngunit sa ngayon diumano ay "hindi pa pwedeng pagdesisyonan ang bagay na yan."

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.com