Piolo Pascual starts shooting for “Hawak Kamay”

Piolo Pascual says that he is very excited for his new family-themed serye.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/26/2014 1:05 AM
Piolo Pascual starts shooting for “Hawak Kamay”


032614-piolo_main.jpgMatapos ang napakalaking tagumpay ng kanyang pelikulang “Starting Over Again” kasama si Toni Gonzaga, tila nagtuloy-tuloy na nga ang mga magagandang nangyayari sa karera ni Piolo Pascual. 

Kailan lang ay inamin ng aktor na inihanda niya na ang lahat para lisanin ang show business ngunit dahil sa mga biyaya at tagumpay na natatamasa niya ngayon at sunod-sunod na mga magagandang nangyayari sa kanyang karera, kinumpirma muli ng aktor na hindi na matutuloy ang plano niyang ito, “I am going there next week for a vacation, for work and trabaho muna, trabaho tayo dito.” At kahit na sinubukan niya tila hindi ang pag-alis niya ang nakatakda sa kanya, “I tried, not because I was being selfish but I wanted to prioritize other things pero siguro kailangan pa tayo dito sabi ko nga e, it’s God’s will it is not ABS-CBN’s will so I am really staying I guess.” 

Ngayon nga ay kinumpirma ni Piolo Pascual na nagsimula na silang mag-shoot ng kanyang bagong teleserye at excited ito sa panibagong proyektong kanyang pinaghahandaan. Matatandaang ang huling teleseryeng ginawa ni Piolo ay “Apoy Sa Dagat,” kung saan nakasama niya si Angelica Panganiban at Diether Ocampo. Aniya, “I just started taping for ‘Hawak Kamay.’ Kasama ko yung mga bata, sina Zaijan, Xyriel, Andrea and a new kid si Asha and si Iza [Calzado] and there’s Nikki [Gil], there’s Ryan [Bang] and we are casting for other characters but we taped already so, exciting.” 
 
Ibinahagi din ni Piolo ang kasiyahan makatrabahong muli ang mga nakatrabaho niya na dating mga child stars na sina Zaijan Jaranilla at Xyriel Manabat. Nakatrabaho niya na si Zaijan sa telesryeng ‘Noah’ at ang pelikulang “24/7 in Love” kung saang naging ka-love team niya pa sa nasabing pelikula si Xyriel. “Masaya, masaya, mga ilang buwan din yun kaya naka-excite ako to work with the kids again especially Zaijan and Xyriel and finally I get to work with Iza sa soap and Nikki.”

Kwento pa ni Piolo, na nagbigay ng konting pasilip sa kung ano ang aabangan ng kanyang mga tagahanga sa kanyang bagong teleserye. “It’s a mix of a lot of genres. It’s a comedy, we have Ryan Bang. And of course it’s a drama, soap opera pero very light, family drama.”
 
Ngunit sinabi ni Piolo na wala pang eksaktong petsa kung kailan ito eere o na timeslot para sa kanilang bagong serye, “Wala pa tayong playdate, we’ll see kung anong timeslot ang ibibigay ng management.”