Maja Salvador hopes to fix relationship with Kim Chiu

The actress believes in time, everything will be okay between friends.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/25/2014 9:30 PM
Maja Salvador hopes to fix relationship with Kim Chiu


032514-maja_main.jpgSa ulat ni Ginger Conejero para sa TV Patrol, isa nang certified music artist si Maja Salvador. Dream come true para sa aktres ang paglunsad ng kanyang album na pinamagatang “Believe.” Ayon sa ulat, ang “Believe” ay may kasamang original composition ng aktres. Ani Maja, “Masaya ako at may na-discover akong bago kong talent” kahit na diumano “may mga hindi matanggap na nandito na ako sa industriyang ito.”

Todo suporta rin sa kanya ang nobyo na si Gerald Anderson. “Hinahayaan niya ako na maging ako, ako talaga.” 

Sa gitna naman ng tagumpay, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang “Dance Princess” na magkakaayos pa sila ng kanyang dating best friend na si Kim Chiu. “Believe lang tayo ‘di ba, kasi baka in time, tao lang kami, pwede kami lahat magpatawad.”

Ilulunsad ang “Believe” sa ASAP 19 sa March 30.

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.com