KC Concepcion says Paulo Avelino is ‘unpredictable’

KC Concepcion shares her latest pursuits in New York and says why she’s taking it slow with Paulo Avelino.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/26/2014 1:00 AM
KC Concepcion says Paulo Avelino is ‘unpredictable’


032614-kc_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinabi ni Kris Aquino inspired si KC Concepcion dahil sa kakaibang ganda nito. Galing si KC sa New York kung saan kumukuha siya ng advanced acting courses. Matagal na daw niyang pangarap ‘yon at lalo pa niyang naisip na pagbutihin ang pag-arte matapos niyang manalo ng Best Actress Award kamakailan sa 30th PMPC Star Awards for Movies 2014. Kwento ni KC, isa diumano sa mga teachers niya sa New York ang casting director ng The Wolf of Wall Street at Pitch Perfect. Isa rin sa mga natutunan niya sa kanyang acting school ang pag-balanse ng “sensuality and sense.”

Matagal nang alam ng publiko na nanliligaw kay KC si Paulo Avelino. Kinompirma ni KC na nanliligaw nga si Paulo pero hindi sila. Sa ngayon daw ay isa si Paulo sa mga best friends niya ngunit, “I’m not leaving it at best friend.” Inamin din niya na matagal na niyang crush niya si “Pao.” Marami diumanong magagandang katangian si Paulo. “Paulo is a good man with a good heart. He is a really good dad, and when you see him taking care of his kid nakakakilig din.”  Ngunit, ayon kay KC, ayaw niyang magmadali. “You just want to make sure na, you know, you fit with someone who fits like a glove.” Ang dahilan, ani KC, ay, “ayaw ko na ng heartbreak.”

Nakilala na raw ng kanyang inang si Megastar Sharon Cuneta si Paulo nang na-ospital si KC. “She met nurse Paulo,” ang makahulugang pag-kwento ng dalaga. At para kay KC, ang isang salita na magde-describe kay Paulo ay “unpredictable.”