• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto will say ‘Yes’ if Enrique Gil asks her to be his girlfriend

Julia Barretto will say ‘Yes’ if Enrique Gil asks her to be his girlfriend

Julia Barretto answers questions about her dad, her aunts, Enrique Gil, and her bashers.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/25/2014 9:06 AM
Julia Barretto will say ‘Yes’ if Enrique Gil asks her to be his girlfriend


032514-julia_main.jpgKalmadong hinarap ng Mirabella star na si Julia Barretto ang mga tanong na binato sa kanya ng host ng Aquino and Abunda Tonight na sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Una, sinabi ni Julia na wala siyang kinakampihan sa alitan sa kanyang pamilya. Sa tingin daw niya normal lang sa isang pamilya ang nag-aaway at “magnified” lang lahat dahil aktres ang kanyang nanay at mga tita. At kung may natutunan man daw siya sa mga alitan sa kanyang pamilya e yung “hindi na kailangang involved ang media.”

Si Tita Claudine raw niya ang idol niya pagdating sa mga projects at pag-arte, ang mommy naman niyang si Marjorie sa pagiging wise at strong nito at ang kanyang Tita Gretchen pagdating sa pagiging “fabulous.”

Tinanong din sa kanya kung mabuting ama si Dennis Padilla at sinabi ni Julia na “Yes.” Naging mahirap din daw sa kanya ang separation ng kanyang mga magulang noong siya ay nine years old pero eventually na-realize niya na kung magiging masaya naman ang mommy niya “then why not be there where she’s going to be happy.” Pahabol naman ni Kris kung ang ibig daw bang sabihin nito ay hindi masaya ang parents ni Julia kapag magkasama sila? Hindi niya raw alam sa dad niya pero with her Mom, alam niya that “she’s better off.”

“I want to make it big as an actress,” ani Julia pero kung sa stardom daw na kasama ang pera at iba pa, hindi iyon ang habol niya. Premyo na lang daw ang mga ito. Ang laging tinuturo diumano sa kanya ng mom niya ay maging humble at mabait kaysa “maging magaling na aktres pero masama ang ugali.”

Naging emosyonal lang si Julia nang mabanggit niya na katulad ni Mirabella, siya rin ay nakakatanggap ng pagtutuligsa dahil may mga nagsasabi na “sana ‘wag siyang maarte.” Ayon sa dalaga, “mahirap yung maraming nagja-judge sa ’yo pero hindi ka kilala but you can’t explain yourself to everybody. And ayaw mo rin, because they don’t all deserve to be given an explanation about yourself. It’s better to be yourself and be different because that’s what’s going to set you apart from everybody. People also have to know I’m just 17 and I also get hurt. I’m just learning, marami pa akong matutunan. Sana mabigyan ako ng time.” 

Sinabi ni Kris na “wise” at nararamdaman nilang “real” si Julia. Prediction din nila ni Boy na magiging ”huge” ang Mirabella star.

Hindi pa naman daw pumoporma sa kanya si Enrique Gil. Ngunit, sa tanong ni  Boy kay Julia kung sasagutin ba niya si Enrique kapag nagtapat ito ng pagmamahal sa kaniya sa  huling gabi ng mundo, walang pag-aalinlangan namang sinabi ni Julia na “yes.”