• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagets na aktor, kelangan pagsabihan tungkol sa kanyang hininga!

Bagets na aktor, kelangan pagsabihan tungkol sa kanyang hininga!

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

3/25/2014 7:21 PM
Bagets na aktor, kelangan pagsabihan tungkol sa kanyang hininga!


032514-ogie_updates.jpgIlang kasamang artista na ang nakakapansin na 'yung linis ng itsura, ganda ng katawan, kinis ng mukha at talagang anak-mayaman ang peg at higit sa lahat--gwapo at hindi mukhang cartoon character-- ay iisa lang talaga ang kanilang reklamo: "Mama Ogs, ambaho talaga ng hininga niya!"

Nagtaka ako. Ano? 'Yung mukhang 'yon? Aba, eh ang ganda kaya ng ngipin ng batang ito, tapos, bad breath?  

"Pag nagsipilyo naman ngayon, maya-maya, umaamoy na naman ‘pag nagsasalita. Siguro, kahihitit niya ng e-cigar, saka 'yung klase ng diet na ginagawa niya, kaya 'yun ang resulta. Hindi naman sa ngipin 'yon, kasi ‘di ba, wala naman siguro siyang bulok at maganda ang ngipin. So sa loob na talaga ng tiyan 'yon galing. Sa set nga, nagtuturuan na kami kung sino ang dapat magsabi sa kanya, eh. Kung 'yun bang ka-loveteam niya o kami na. Kasi, 'yun ang pinakamahirap eh. Ang sabihin du'n sa kaibigan mo na bad breath siya, baka balikan ka naman na, 'Ikaw nga, mabaho din, eh.' Hahahaha! Kaya hindi talaga alam sa set kung paano sasabihin 'yon sa kanya," kwento ng mga nakakasama nito.

Sabi ko nga, baka sa pamamagitan ng blind item na ito ay makarating na sa guwapong bagets na ito na 'yung hininga na niya ang pinag-uusapan sa set. Ganito na lang siguro, para mahulaan n'yo ang identity ng bagets na ito na may billboard sa Edsa endorsing a brand of hehehehe, dahil nga galing sa angkan ng mga taga-showbiz eh bibigyan ko kayo ng downpayment sa clue. Basahin n'yo uli from the top.

Pero kung magulo na magulo na ang clue as nalilito na kayo eh hello! Sino 'to?