• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai delas Alas is happy that James Yap and Kris Aquino have come to terms on the custody of their son Bimby.

Ai-Ai de las Alas on James Yap and Bimby’s renewed ties: “Yun yung happiness niya ngayon’

Ai-Ai delas Alas is happy that James Yap and Kris Aquino have come to terms on the custody of their son Bimby.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

03/25/2014 09:05 AM
Ai-Ai de las Alas on James Yap and Bimby’s renewed ties: “Yun yung happiness niya ngayon’
032514-aiai_main.jpgKamakailan ay nakausap ng Push.com.ph ang isa sa mga bituin ng top-rated teleseryeng Dyesebel na si Ai-Ai de las Alas. Muli niyang ibinahagi ang kanyang excitement lalo na ngayon na umeere na ang kanilang programa. “Yes, kasi na-miss kong gumawa ng soap.” 

Nilinaw din ni Ai-Ai ang kumakalat na balita na may boyfriend na daw siya, Agad namang pinabulaanan ni Ai-Ai ito ngunit aminado naman siyang lumalabas siya. “Ay hindi, wala, wala. Single and happy… and dating.” 

Itinanggi din niya na may ekslusibo siyang dine-date. Sa ngayon ay masaya siya sa kasalukuyang lagay ng kanyang puso. “Hindi, pwede naman ako makipag-date sa variety para hindi na painful. Okay na yun para happy-happy lang, [may] variety.”

Ngunit kahit na bukas si Ai-Ai sa pakikipagdate, aminado siyang hindi pa siya handang makipagrelasyon. “Ay no! Ayoko muna. Yung healing malapit na matapos, siguro muni-muni-an muna natin yung mga nangyayari sa buhay natin.” 

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang nangyari kay Ai-Ai, magmula sa hiwalayan nila ng kanyang asawang si Jed Salang noong nakaraang taon hanggang sa pagkamatay noong Enero ng taong ito ng kanyang ina. Kaya naman sa lahat ng mga magagandang nangyayari sa buhay ni Ai-Ai ngayon, “Ganun talaga kasi ang buhay eh, parang gulong yan, maganda, hindi maganda, maganda, hindi maganda. Ang natutunan ko diyan parati lang tayo move on, move forward.” Dagdag pa ni Comedy Concert Queen, “Oo, kapag may hurt ganun talaga ang buhay e. May masakit, may masaya, may masarap.

Isa din sa ibinahagi niya ang pagkakaibigan nila ng dating nakaalitang si James Yap. Matatandaang ang kanilang hindi pagkakasundo ay nag-ugat noong magkasama pa si Kris Aquino at James at nasangkot ang kanyang pangalan sa kontrobersiyang James at Hope Centeno na sinasabing naging dahilan ng hindi pagkakasundo ng mag-asawa pa noon. Diumano’y nagbigay ng kumento si Ai-Ai tungkol sa kontrobersiyang ito na hindi ikinatuwa ni James. Ngunit ngayon ay makikitang nanonood ng laro ni James si Ai-Ai kasama pa ang Italian girlfriend ng basketbolista, at pumunta pa nga ang aktres sa victory party ni James noong nanalo ito sa PBA Finals. “Victory party na parang belated happy birthday niya at may launching siya ng mga ek-ek.” 

Ngayong maayos na ang kustodiya ni James sa anak nila ni Kris na si Bimby, masaya ang aktres sa kinahantungan nito para kay James na regular nang nakakasama at nabibisita ng anak. “Oo naman, praise God, totoo yun. Yun yung happiness niya ngayon, gusto niya yun.” Masaya din si Ai-Ai sa naging pagkakasundo ni James at Kris at ang unti-unting pagiging magkaibigan ng dating mag-asawa. “Okay na yun na nagkasundo na sila, happiness, ganun talaga dapat maging happy tayo sa buhay nila.” 

Ngunit nang matanong si Ai-Ai kung sila ba ng kaibigang si Kris ay may pag-asang magkaayos din, tumanggi na ang aktres na magbigay pa ng pahayag at piniling hindi pag-usapan. “Ay, akoyo magsalita about it.”