Young actor may “selfie” na kumakalat

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

3/22/2014 12:21 PM
Young actor may “selfie” na kumakalat


032214-ogie.jpgPagpasa ng picture sa akin sa direct message ng twitter ay sinipat kong maigi kung sino ang batang lalaki na nagse-selfie na halatang hindi siya aware na ang kanyang ka-webcam ay ini-record or in-screen shot ang ilang emote niya sa camera.  

Sa first two pictures ay ayos pa dahil tila nagse-selfie lang, pero  'yung sa ikatlo ay nakakalokah na, dahil kakaibang "selfie" ang kanyang ginagawa habang siya'y nakahiga sa kanyang kama.

Tsinek ko nga kung siya talaga 'yong may kakaibang "selfie,"  dahil from "head to ano" ang shot, so medyo lumayo ang mukha niya sa picture. Nakahiga pa kasi siya, eh.   Samantalang 'yung unang pic, naka-purple shirt pa siya.  'Yung second pic, topless na at tila nang-aakit na siya ng ka-webcam niya.  Pupuwedeng isipin ko na hindi siya 'yung pangatlo, pero 'yung yellow pillow, iisa eh. So, feeling ko nga, siya 'yung bagets.  

Sana lang, next time, nag-iingat na siya at maging kayo na bumabasa nito para di kayo masangkot sa mga  photo o video scandal. Kung makikipaglampungan sa webcam ay 'wag n'yong alisin ang posibilidad na puwedeng mai-record o makunan ang inyong ginagawa.  Kaya maging responsable sa lahat ng actions, dahil maaaring makalimutan 'yan ng mga tao, pero puwedeng mabalikan 'yan.

Basta ingat-ingat na lang kayo next time.  Kung hindi talaga makatiis sa inyong "kati," gumawa ng ibang paraan, basta 'wag na lang sa skype o sa anumang uri ng social media.

Hindi ko alam kung ito'y viral na, pero sana, 'wag nang kumalat, dahil baka hindi na lumabas ng bahay si bagets at magkulong na lang sa kanyang kuwarto.  Saka hindi na muna ako magbibigay ng marami pang clue, dahil ayon sa pangalan ng young actor na ito'y baka mademanda pa tayo, hahahaha!