• Home
  • Fresh Scoops
  • Where did JC Intal originally plan to propose to Bianca Gonzalez?

Where did JC Intal originally plan to propose to Bianca Gonzalez?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/21/2014 6:58 AM
Where did JC Intal originally plan to propose to Bianca Gonzalez?


032114-Bianca_main.jpgNapag-usapan sa Aquino and Abunda Tonight ang newly-engaged couple na si Bianca Gonzalez at ang PBA player na si JC Intal. Naganap ang proposal sa NAIA terminal 2, pasado alas-kwatro ng madaling araw ng March 20.

Ayon sa manager ni Bianca Gonzalez at host na si Boy Abunda, dapat magaganap ang proposal sa “bridge” ng eroplano kung saan dapat may partisipasyon ang piloto. Ngunit sa kadahilanang baka raw maabala ang mga pasahero, sa lounge na lamang nangyari ang proposal. May nag-announce na may package si Bianca sa counter, at doon may nagbigay na sa kanya ng mga rosas at may banner na “please say yes.” Ayon kay Kris Aquino, symbolic diumano ang proposal ni JC kay Bianca para isang magandang journey.

Pinuri ni Kris si JC sapagka’t nagpasintabi ito kay Boy. Kuwento kasi ni Boy, pinaalam ni JC sa kanya ang balak nitong proposal kay Bianca isang araw bago ito maganap.

Tamang-tama naman ang timpla ayon sa mga hosts ng programa kasi 31 years old na si Bianca at 30 naman si JC at kilalang-kilala na nila ang isa’t isa. Bukod pa dito nakapagpatayo na rin daw ng bahay si JC.