• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga talks about her new album and the new box-office success of her movie

Toni Gonzaga talks about her new album and the new box-office success of her movie

Toni Gonzaga says that her new album has more maturity and boldness and if she it were up to her and Piolo Pascual, they wouldn’t want a part two of ‘Starting Over Again.’

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/20/2014 9:19 AM
Toni Gonzaga talks about her new album and the new box-office success of her movie


032014-Toni_Main.jpgSa pictorial para sa sixth studio album ni Toni Gonzaga under Star records, sinabi ng Multimedia Star kung bakit natagalang masundan ang kanyang huling studio album na All Me na apat na taon na ang nakakaraan. May ilang mga balita din na lumabas na dapat noong isang taon pa dapat nailabas ang album na ito/ “Kasi nagsunod-sunod yung trabaho sa telebisyon tapos tinapos yung pelikula kaya ngayon lang talaga tayo nagkaroon ng time magrelease ng album. Everything naman is perfect timing.”

Ibinahagi din ni Toni ang aabangan ng kanyang mga fans sa album na ito. “The whole feel of the album is feel good, yung something that will put you in the mood, yung something that can start your day right. If you play it while you’re driving, if you play it sa bahay habang wala kang ginagawa, it sets your mood na maganda, it makes you feel good.”

Ang kanyang All Me na album ay maraming dance tracks. At sa mga panayam sa kanya tungkol dito, personal ang album na ito kay Toni dahil close collaboration ang nangyari sa kanila ng Star Records para sa pag-produce ng pinakahuli niyang album. Sa dami ng nangyari sa kanya sa paglipas ng panahon, aniya, “Nag-mature ng konti, depende kasi lagi yan but it’s always [that] my album is laging fit to my personality. It has matured, it has a little boldness.” Kasama din sa album niyang ito ang themesong ng blockbuster movie nila ni Piolo Pascual na Starting Over Again.

At napag-uusapan na rin ang Starting Over Again, palabas pa rin ito sa ibang mga sinehan hanggang ngayon higit n isang buwang magmula ng pinalabas ito. At kumpirmado na kumita na ng mahigit P400 million ang kanilang pelikula at ang Highest Filipino Grossing movie din of all time sa International Box Office, kaya naman walang hanggang ang pasasalamat ni Toni sa lahat ng sumuporta. “Honestly, we are really grateful because our audience has really matured at handa na sila sa ganitong klaseng pelikula. Matapang na sila tumanggap ng pelikula na reality ever after, it’s not always happy ever after. It’s always really reality ever after. We are thankful and we really are thankful sa napakagandang pagtanggap sa aming pelikula mula po sa puso namin ni PJ, ni Inang, ni Carmi (Raymundo) at sa bumubuo po ng cast ng Starting Over Again, maraming, maraming salamat po sa pagtanggap niyo sa pelikula.” 

Dagdag pasasalamat pa ni Toni sa kanyang Instagram account, “Because nothing is impossible with you God! This is Your victory, not ours.”

Dahil sa tagumpay nito, marami ang nagnanais na magkaroon ng part two ang pelikula. Ngunit kung sila lang ni Piolo ang masusunod, hindi na nila nanaisin pang magkaroon ng katuloy ang kwnto ni Ginny at ni Marco. Aniya, “Personally kami ni PJ kung tatanungin talaga kami with everything that we have been through sa film and the characters have been through parang ayaw na namin sundan pa ng part two pero siyempre depende lahat yan sa management. Kami lang naman yun yun lang yung feeling namin pero kung nagmeeting ulit tignan natin kung ano yung magiging decision ng management, depende.