• Home
  • Fresh Scoops
  • Melason, handang handa na sa pagdating ng kanilang baby girl!

Melason, handang handa na sa pagdating ng kanilang baby girl!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

3/20/2014 11:00 PM
Melason, handang handa na sa pagdating ng kanilang baby girl!


melason.jpg
Photo credits to Femme Designs Studio

Bungad na text sa akin ni Jason Francisco, nang kamustahin ko sila ni Melai at ang kanilang paparating na angel. Gaya nang unang nasabi na nila, sa General Santos City magsisilang ng kanilang panganay si Melai. Sa buong pagpapahinga ng prinsesa ng masa in preparation sa panganganak niya, kapag walang raket dito sa Metro Manila ay madalas ding nasa GenSan si Jason para alagaan ang kanyang mag-ina.

“Okay naman si Melai, everything is okay. Weekly na siya check-up,” ang sabi ni Jason.

Dagdag pa niya, ready na sila sa panganganak ni Melai. “Preparation namin, lahat na ng gamitin niya sa ospital sa panganganak, always ready para anytime lumabas si baby, on the run na kami,” kwento ni Jason.

“May mga listahan na rin ng mga ninongs at ninangs, surprise na lang para sure,” sagot niya nang tanungin ko kung sino na ang mga tatayong pangalawang nanay at tatay ng baby girl nila, na hindi pa nila napagdedesisyunan kung anong ipapangalan nila. Pero meron na raw silang listahan ng pagpipiliang names.

“God bless always sa mag-ina ko. Salamat din sa mga fans naming na nag-pray parati sa delivery ni Melai at ni baby.”

Wow. Nakaka-excite. Parang kelan lang nagliligawan sila sa PBB House, ngayon paparating na ang panganay nilang anak. Nakaka-miss din sila, lalo na sa Kris TV na naging instrumento para magkabalikan sila, at naging venue para mapanood muli ng buong bayan ang journey nila… ng Prinsesa at Prinsipe ng Masa.

Wishing you all the luck Melason! Invite us agad paglabas ni baby girl!