Enrique Gil: ‘Sobrang nag-jive kami ni Julia’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/20/2014 9:14 AM
Enrique Gil: ‘Sobrang nag-jive kami ni Julia’


032014-enrique_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, ayon kay Boy Abunda at Kris Aquino na kay Enrique Gil na ang lahat. Siya diumanao ay “beautiful,” mabait na anak, matalino, at pantasya ng lahat.

Pinansin ni Kris na madali siguro magkagustuhan si Enrique at ang bida sa Mirabella na si Julia Barretto sapagka’t pareho silang “beautiful.” Ayon kay Enrique, dahil maganda si Julia mas madaling umarte na “they love each other.” Bukod doon nakakatulong daw ang attitude ni Julia dahil nagja-jive sila nito, ngunit hindi naman daw niya nililigawan ang dalaga. Nang tanungin siya ni Kris kung ano ang naging regalo niya kay Julia para sa kaarawan ng Mirabella star, hanggang ngayon daw ay inaalam pa rin niya sa nanay ni Julia kung ano ang gustong regalo ng dalaga para sa birthday nito kasi ayaw magsabi ni Julia.

Mabait din na anak si Enrique. Kamakailan bumili siya ng limang lupa sa Paranaque at dalawa sa Batangas. Ang isa dito ay beachfront property na gusto daw ng mom niya kaya niya binili. Nanay din niya ang pinagha-handle niya ng pera at gusto niya daw talaga iyon. 

Sinabi ni Boy na pantasya siya ng lahat mapababae, matron, bakla, bata at matanda. Dagdag pa ni Kris na dahil kay Enrique nagiging “cougar” ang lahat. Sabi ni Enrique it’s flattering ngunit minsan “nakakailang na.” Ganunpaman, sinabi niya na hindi naman siya nakakatanggap ng indecent proposals.

Kaarawan ni Enrique sa March 30 at ang gusto niyang regalo ay maging “sobrang ganda” ng Mirabella na eere na sa Lunes, March 24.