Singer-actress nag-hello ang underwear!

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

3/19/2014 7:40 PM
Singer-actress nag-hello ang underwear!


031814-OGIE_main.jpgIpinadala sa akin ang litrato ng isang singer-actress na habang umaawit ay nag-hello ang panty nitong white na ang description ng friend ko ay, "Wala ba siyang pambili ng panty na mamahalin? Nu'ng in-enlarge ko sa celfone ko 'yung picture, juice ko, Mama Ogs, may awang du'n sa singit. Na kung nasa gilid ka, makikita mo na ang kaluluwa niya. Patunay na maluwag na 'yung panty niya."

Actually, nu'ng in-enlarge ko nga ang pic sa tulong ng isang cellphone na high resolution ang camera ay oo nga, may awang ang V-shape ng panty ng singer-actress sa kanyang damit, kaya kitang-kita ang kulay ng underwear nito.

Ito ay nakunan ng aking friend nu'ng makapanood ito nang live sa studio at naloka na lang daw siya nu'ng isa-isahin niya ang mga pics at 'yun nga ang tumambad sa kanya. Kaya nasabi nito, "Sana, nag-body stockings na lang siya for safety."

Oh, well! Ito rin ang natsitsismis ngayon na may dyowang staff ng naturang show, pero ang nakakaloka, hindi lalaking staff, kundi babaeng staff. Matagal nang natsitsismis na tibam o lesbiana ang naturang singer-actress at ayon sa isang nakakakilala dito, kaya daw ito may ipinatatak sa isang bahagi ng katawan nito na siyang nagpapatunay na isang "pards" si singer-actress.

Aba'y wala namang masama kung happy being a lesbian ang singer. Basta bumili lang siguro siya nang matibay-tibay na panty para hindi na nagbibida si "Hello, Kitty!"