• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano details Angel Locsin’s bonding moments with Gov. Vilma Santos

Luis Manzano details Angel Locsin’s bonding moments with Gov. Vilma Santos

Luis Manzano still has no plans for a marriage proposal this year, but says he’s happy that his mom welcomed Angel Locsin back.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/19/2014 6:15 AM
Luis Manzano details Angel Locsin’s bonding moments with Gov. Vilma Santos


031914-luis_main.jpgAyon kay Luis Manzano, hindi naman nila tinago ni Angel Locsin na opisyal na silang nagkabalikan. “You know we are happy. It’s not as if we were hiding it, we were just waiting for the right moment. I can’t say naman that a weight was lifted from my shoulders kasi never kami nag-deny, never kami nagsinungaling. Nung tinanong ako ni Tito Boy (Abunda) sinagot ko ng diretsahan so kung gaano kami ka-happy when we did the Buzz ng Bayan interview, we are exactly the same right now.”

Nagbigay din ng reaksiyon si Luis tungkol sa sinabi ni Jennylyn Mercado nang maghiwalay sila at na-link na nga sa isa’t isa si Luis at Angel, na napakaaga pa daw para magkaroon ng bagong karelasyon si Luis. Aniya, “Well siyempre that is her opinion ‘di ba? As much as possible, Angel and I na, ‘di ba? I’m sure may ginagawa din naman siya sa kanyang buhay.  Huwag na natin isama si Jen sa usapan namin ni Angel.”

Mapapansin sa Instagram account ni Luis na madalas itong mag-post ng picture nilang dalawa ni Angel at kamakailan nga ay nag-post siya ng picture ni Angel kasama ang kanyang inang si Gov. Vilma Santos. Isa pang litrato na kanyang pinost ay ang kuha ng kanyang ina kasama si Angel, ang kanyang kapatid na si Ryan Christian at asawa ni Gov. Vilma na si Ralph Recto.

Aniya, “Kasi nung nagkaayos kami ni Angel, one thing that we would always tell each other is that nami-miss namin ang family ng isa’t isa so nagkataon nga na when I finally saw her family, namiss ko sila and nagkataon na I get to see her family more often that her seeing mine. Pero ilang beses na niyang sinabi sa akin na gutso kong dalawin sina tita e ang free day niya lang is Sunday. So ang nangyari, so mga a few days before nalaman namin na wala siyang gagawin in that particular Sunday, so nag-set ako ng dinner. So it was like watching Angel come home parang ganun. Nagkita sila nagyakapan sila, iiwanan ko sila kahit ako kausap ko si Ryan hinahayaan ko na mag-bonding ang dalawang binibini. It was a very happy evening.”

Dagdag pa ni Luis, “Sabi ko nga ‘di ba ang sarap nilang panoorin. Kahit nga tumatahimik ako sa gilid, nakikita ko ang interaction ni mommy kay Angel, kay Tito Ralph, kay Ryan. Pinapanood ko lang parang ang sarap na no time was lost between them.”

Ikwinento din ni Luis ang naging reaksiyon ng kanyang ina nung nagkita silang muli ni Angel. “Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakarinig o may mga naiisip lang ako na mga guni-guni lang kung tama ang pagkakaalala ko, ‘Welcome Home’ din ang pagkakasabi ni mommy, if I remember correctly. But I can see the happiness in my mom na in fact nagdidinner kami, sila pa ang magkatabi. Ako yung nasa side tapos si Angel, si mommy, Si Tito Ralph at sila pa yung nagbobonding-bonding na dalawa.

Nagpahayag si Gov. Vilma sa isang panayam na kung siya lang ang masusunod, nais niyang si Angel at Luis ang magkatuluyan hanggang sa huli. Maging ang mga tao na nakapaligid sa kanila ay nais rin na sila ang magkatuluyan. At kung naapektuhan ba silang dalawa ni Angel at nape-pressure sa sinasabi ng mga tao, “That won’t get into us, that won’t be a factor in our decision-making kasi ang ikakasal naman kaming dalawa… pero I guess it goes to show how much of a lady Angel is, paano magmahal si Angel at paano ang chemistry namin kaya gusto nilang umabot sa altar. Pero we are not letting it get to us. We are taking our time and letting everything fall into its right place.”

At kung may plano na ba siyang mag-propose ngayong taong ito, “The proposal hindi, dapat magulat ang mga tao diyan. Yung wedding very casual conversations, nothing naman na sit down pa. Kasi ako naman, kahit papaano… if I were to talk about the wedding, ang uunahin ko, which is, correct me if I’m wrong, siguro sa family muna. Pero siguro very casual talks pa lang about the future. But I guess it’s always a good start na pinag-uusapan niyo, you are talking about it na kasi alam niyo na dun din kayo pupunta.”