• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino encourages James Yap to exert more effort sa pakikipag-bonding kay Bimby!

Kris Aquino encourages James Yap to exert more effort sa pakikipag-bonding kay Bimby!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

3/18/2014 10:45 PM
Kris Aquino encourages James Yap to exert more effort sa pakikipag-bonding kay Bimby!


031814-darla_main.jpgSa Kris TV episodes shot in Busuanga and Coron in Palawan, bukod kay Erich Gonzales ay guest din ni Kris Aquino si Daniel Matsunaga. Kasama ni Kris sa trip na ito ang kanyang dalawang anak na sina Bimby at Josh. Habang aliw na aliw sa pag-try ng iba’t ibang water activities sina Bimby at Josh, hindi naiwasang mapansin ni Kris kung gaanong nag-eenjoy ang mga anak niya lalo na ang bunsong si Bimby, kasama si Daniel Matsunaga. Kahit naman kaming nandoon ay napansin ang extra tuwa ni Bimb dahil may ka-bonding na siyang lalake, na kaya siyang sabayan sa kulitan at harutang panlalaki. 

“I hope ang magkaroon ng realization ‘yung father ni Bimb na sana mag-exert siya ng effort na gawin ‘yun, kasi ‘yun ang one thing na hindi ko talaga kaya, no matter how much I love my sons, that’s one thing, ‘yung harutan na panlalaki, it’s not within my capacity,” pag-amin ng Queen of All Media. 

Tingin ko naman ay best time na ito para nga magawa ni James ang ganoong bonding with Bimby, dahil nga kamakailan lang ay nagkaayos na sila ni Kris. Mas ine-encourage na rin ngayon ni Kris ang dating asawa, na mag-spend time with their son. 

“I hope ‘yung every Saturday na pagkikita nila, sana umexert ng effort, kasi hindi mo maibabalik itong moments na ‘to, so that you will have happy memories together… or kung hindi man maganap ‘yun, may God bless me with a partner who will be willing to do that, in God’s time,” sabi pa ni Kris.

Samantala, mas tumitindi na ang palaisipan ngayon kung sino nga kaya ang nagpapasaya at mas lalong nagpapaganda kay Krisy. Pero gaya ng ibang artista, mula simula ay open book na ang buhay ni Krisy, kaya ibalato na natin sa kanya – sa kanila, kung pinipili man nilang maging pribado sa ngayon.