Jake Cuenca speaks up about Lovi Poe, Jessy Mendiola

The actor says he’s dating around but not exclusively

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/19/2014 6:17 AM
Jake Cuenca speaks up about Lovi Poe, Jessy Mendiola


031914-jake_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, tinaguriang hard working actor si Jake Cuenca na wala diumanong tinatanggihang role. Ayon kay Jake basta tumagos sa puso niya ang isang role o istorya ay gagawin niya iyon. 

Obserbasyon ni Boy Abunda na ang layo na nga ng narating ni Jake bilang aktor kasi ngayon daw ay “people take him seriously as an actor.” Sa katunayan, ayon kay Jake, sa isang confrontation scene nila ni Coco Martin sa Ikaw Lamang, nakita nila na may lalim na at maturity na ang kanilang paganap, na malayong malayo na sa paganap nila noon para sa Tayong Dalawa. Na-miss din daw niya katrabaho si Coco. 

Napag-usapan din ang independent film na Lihis kung saan nakipaghalikan siya kay Joem Bascon. Mapalalaki man daw o babae ang kahalikan mahirap kapag nasa harap ng camera kasi “it’s still a performance.” Bilang aktor naman, willing mag-frontal nudity si Jake basta makahanap siya ng magandang piyesa para dito.
 
Pagdating  sa lovelife, hindi daw totoo na may dine-date siyang non-showbiz girl. “I am dating around, but not exclusively.”  Ibig daw noon sabihin ay he’s meeting friends. Hindi naman daw siya nagpapaasa ng babae dahil natuto na siya sa mga pagkakamali niya noon at very loyal siya sa mga babae lalo na kapag naging girlfriend na niya.

Inamin ni Jake na nanligaw siya kay Lovi Poe pero pinili nito si Rocco Nacino. “You win some, you lose,” ani Jake at masaya naman daw siya para kay Rocco at Lovi. “Lalaki pa rin kaming dalawa pero kailangan maging civil.” At kung ano man diumano ang nangyari sa  kanila noon nila Lovi, “we left it in a good note.” 

Tinanong din siya ni Boy kung totoong nanligaw siya kay Jessy Mendiola. Sagot ni Jake, alam daw niya kasi na pressured noon si Jessy sa Maria Mercedes kaya ayaw na niyang palalain ang sitwasyon. 

Diretsong sinabi ni Jake na umiiyak siya ng dahil sa babae at ginagawa niya itong “substitution kung kailangan umiyak sa isang eksena.

Pinuri siya ni Kris sa pagiging totoo niya. “No filters!” ika ng Queen of All Media.  Pinuri din ni Kris ang paganap ni Jake sa Ikaw Lamang dahil ramdam ang pagnanasa ng character nito para sa character ni Kim. 

Kung magiging babaeng artista naman daw si Jake sa Pilipinas gusto niya maging si Lovi Poe kasi female version niya daw ito.