Piolo Pascual rethinks his plans to leave showbiz

Nagbago na rin ang isip ni Piolo na magretiro.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/18/2014 5:57 AM
Piolo Pascual rethinks his plans to leave showbiz


031814-piolo_main.jpgSa ulat ni Mario Dumual para sa TV Patrol, palabiro at masigla sa unang araw ng taping si Piolo Pascual sa Pagsanjan, Laguna para sa latest teleserye nitong Hawak Kamay. Si Piolo ngayon ang tinaguriang Box Office King dahil sa tinabo ng Starting Over Again sa takilya na mahigit 400 milyon. Ito ngayon ang all-time top grossing Filipino movie sa International Box Office.

Nagbago na rin ang isip ni Piolo na magretiro. Matatandaang emosyonal niyang ipinahayag sa Thanksgiving party ng Starting Over Again ang balak niyang pagretiro sa showbiz. Alam diumano ng pamilya niya na kailangan niya ng pahinga, ngunit pagbibiro nito na, “Siguro if it’s not God’s will or ABS-CBN’s will.”

Ayon sa direktor ng Hawak Kamay na si Mae Cruz, marami pang ibubuga si Piolo. Gagampanan niya ang isang frustrated musician na ipaglalaban ang adoption ng mga anak ng yumao niyang kapatid.

Sakto naman sa edad niya at gusto naman ni Piolo na makatrabaho ang mga bata dahil nakikita niya ang sarili niya sa kanila. Isa pa raw meron na siyang 16-year-old na anak kaya, “bakit pa ako magpapatumpik-tumpik?”

Makakarabaho niya sa Hawak Kamay si Iza Calzado na isa sa dahilan ng tagumpay ng Starting Over Again. Ayon kay Piolo sobrang flawless ng pag-arte ni Iza at, “nae-excite ako how passionate she is with her craft.”

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.com