Diet juicing and detox: Fad or here to stay?

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/15/2014 1:22 PM
Diet juicing and detox: Fad or here to stay?


031514-pushpin_juicing.jpg
Marami-rami na rin ang mga nausong paraan upang makapag-diet at makapag-bawas ng timbang. Bago pa man ang mga surgical procedures upang makapagbawas ng bigat ng katawan o mapanatili nila ang ganda ng kanilang pangangatawan, nariyan na ang mga herbal at food supplements.

Sa ngayon, tila mas nauuso na nga ang sinasabing mas natural na pamamaraan ng pagda-diet, at dito na pumapasok ang sinasabi nilang diet juicing o ang pag-inom lamang ng juice na gawa sa katas ng prutas o gulay ng ilang araw para makuha ang nais na pangangatawan.

Sinasabing nagsimulang mauso ito sa “Master Cleanse” diet kung saan ito ang ginamit ng sikat na Hollywood Star na si Beyonce upang mabilis na makabawas ng timbang para sa gagampanan niyang karakter sa pelikulang Dream Girls. Ang Master Cleanse na ito na pinaghalong tubig, lemon concentrate, cayenne pepper at maple syrup. Ito ang tanging iinumin sa loob ng sampu hanggang labinlimang araw na walang kinakain. Si Cong. Lucy Torres-Gomez ay aminado na ginagawa din ang ganitong klase ng cleansing na sinasabing hindi lamanag nakakabawas ng timbang kung hindi ay nakakalinis din ng digestive organs ng tao.

Dahil dito sinasabing napanganak ang diet juice cleanse o diet detox na sikat na sikat ngayon. Makikita ang ilang mga artista na nagpo-post sa kanilang mga Instagram at Twitter accounts tulad nina KC Concepcion, Julia Montes, Melissa Ricks, Bianca Gonzalez, Iza Calzado at marami pang iba na gumagamit ng nasabing juice cleanse.

031514-pushpin2_juicing.jpg

Nakausap ng Push.com.ph ang The Skinny Juicery, isa sa mga gumagawa ng ganitong klaseng produkto ng juice cleansing. At ayon sa kanila, naglipana at patok ang ganitong klaseng produkto dahil, “Everyone is into fitness and leading a healthy lifestyle right now, the rise of the ‘balik alindog program’ and ‘fitspiration’ like our girl Ellen Adarna who also is a juice fan has strongly influenced the followers to jump into eating clean, training mean, and drinking greens, which is positively life changing. And juicing has become a lifestyle. It’s just hard to sustain. Mashing up your fresh produce at home tends to leave a sloppy mess in the kitchen, sobrang hassle, so there’s a demand and people want it now, and they want it agad-agad and delivered door to door.”

Aminado din ang kumpanyang ito maging ang iba pa na napakalaking tulong ang mga artista upang mapalawak sa lahat na may ganitong klaseng produkto na natural na paraan upang makabawas ng timbang. “It’s definitely a plus when celebrities share their fitness routine over social media. It’s the fastest way to connect to their fans. Seeing their idols post photos of their diet makes them feel that they are normal people too, that their almost perfect bodies require discipline and exercise, including eating clean and drinking greens, this is where juicing comes to play.”

Mas naging maingay pa ang pamamaraang ito nang nasangkot sa kontrobersiya noong nakaraang taon si Anne Curtis nang itinuro ng aktres na ang diet detox o juicing na ito ang naging dahilan kung bakit ganun ang kanyang naging pag-asta sa isang sikat na bar. Ngunit ayon sa The Skinny Juicery, hindi sila naapektuhan sa nangyaring ito. “After the incident, people got more curious into learning more about juicing and what it can do for you, we also don’t agree that Anne blamed it on juicing. It was a good example to actually remind juicers to stick to the plan, when going on a juice fast, one must avoid alcohol and nicotine, as the digestive system is going on a healing crisis. Drinking alcohol defeats the purpose of detox.” 

Kaya naman sa mga nagsasabing uso lang ito at lilipas rin, “People think of it as a fad, but we are here to stay. When you see a lot of juice business popping out of nowhere you may think the marketplace is crowded but here comes authenticity. Filipinos are now looking on how they approach their food They're looking to improve their diet, and juicing is a way to do that.”