• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro’s attorney is confident Roxanne Cabanero’s rape complaint will be thrown out of court

Vhong Navarro’s attorney is confident Roxanne Cabanero’s rape complaint will be thrown out of court

Atty. Alma Mallonga is very confident that Roxanne Cabanero’s case will be dismissed.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/14/2014 12:20 PM
Vhong Navarro’s attorney is confident Roxanne Cabanero’s rape complaint will be thrown out of court


031414-atty_main.jpgSa preliminary investigation na ginanap kahapon, March 13, sa Pasig Prosecutor’s Office, ibinahagi ni Atty. Alma Mallonga, legal counsel ni Vhong Navarro, ang naganap sa paghaharap nila ng kampo ng nag-aakusang si Roxanne Cabanero.

Hindi na nagsubmit ng reply si Roxanne at ang kanyang abugado (Atty. Virgilio Batalla) instead nagreply sila ng manifesto. Yung manifestation ay isang kasulatan lamang na nagiinform sa korte, but it’s not sworn to. Ang sinasabi lang nila wala raw sila sinasabi sa complaint na April 24 nangyari ang insidente, but I have to tell you na napaka-klaro sa investigation data form na the reason why nag-file kami ng perjury complaint. Dun sa investigation data form nandoon nakapirma at under oath yun very specific na ito’y part ng complaint affidavit napaka-klaro nun, April 24 malinaw na malinaw, place of commission, Astoria, Pasig. So kung anuman ang manifestation na nakalagay wala pong kahalagahan yun sa maling opinion. So given that, napaka-klaro na walang nangyari nung April 24 at walang nangyari kahit kailan.

At ang tingin ng abugado ni Vhong Navarro sa kakaharapin ng kasong ito, “We are very confident na ang kasong ito, which is submitted for resolution, ay mababasura.

Sa panayam kay Atty. Batalla, sinasabi nitong ang petsang April 24 kung kailan sinasabing nangyari ang insidente ay hindi diumano nanggaling sa kanilang kampo bagkus ay nanggaling sa kampo ni Atty. Mallonga. At nagbigay naman ng reaksiyon ang abugado tungkol dito> “Hindi po totoo yun, kasi po kapag nag-file ka po ng complaint affidavit meron kang ine-execute pati na investigation data form. Nakalagay dun very malinaw date of commission, hindi nakalagay dun na April 24 to 26, nakalagay dun April 24, nakalagay dun place of commission, nakalagay dun. Kung babasahin ko ang complaint affidavit, nakakabasa naman ako. Marunong akong magbasa at marunong naman ako mag-intindi at malinaw na malinaw dun na maliban sa categorical na sinabi na April 24, nangyari yun at nakalahad dun sa complaint affidavit na April 24 yun so huwag na tayong magbiruan, huwag na tayong maglihis, huwag na natin ilabo yung malinaw.”

Ibinahagi din ng abugado ang kanyang nakikitang katatakbuhan ng kaso base sa mga nangyayari. “So ang masasabi ko lang I am very happy for Vhong, this matter is to be submitted for resolution and I think, with all due respect, hintayin natin yung resolution ng prosecutor, but I am very confident na itong complaint po na ito ay mababasura. Ang hinhintay na lang po natin ngayon ay yung pagdinig ng aming complaint na perjury at yun din ay nakatakda na dinggin po sa March 20 at 27.”

Nanawagan din ang abugado ni Vhong sa publiko sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kliyente niya. “Huwag po tayong mawalan ng focus, ang pinakaimportante po dito ay nakasalang sa Department of Justice. Ilang beses na po naming sinasabi na ito ay diversionary tactics para mawalan tayo ng focus dun sa bigger picture which is the non-bailable offense of serious illegal detention. Dun po kami nakapakolahat ay mag-abang, magbantay at magdasal na yung katotohana at katarungan ay lumabas. Yun naman ang dapat ma-achieve yung katotohanan not only for Vhong but for every victim.”