• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson on fidelity: “I’ve made mistakes and I’m not going to deny it”

Gerald Anderson on fidelity: “I’ve made mistakes and I’m not going to deny it”

The actor also denies that his mom doesn’t like Maja Salvador.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/15/2014 5:20 AM
Gerald Anderson on fidelity: “I’ve made mistakes and I’m not going to deny it”


031514-gerald_main.jpgMatapang na Gerald Anderson ang humarap sa Aquino and Abunda Tonight, sapagka’t maiinit na issue ang binato sa kanya ng mga hosts na sina Kris Aquino at Boy Abunda. Unang-una, close ang host na si Kris kay Kim Chiu na ex-girlfriend ni Gerald. At nagpasalamat si Kris sa pinakita nitong guts sa pagharap sa kanya.

Pangalawa, tinanong siya tungkol sa relasyon ng nanay niya sa kanyang girlfriend na si Maja Salvador. Ang public perception kasi ay hindi gusto ng nanay ni Gerald si Maja. Diumano may mensahe ang nanay ni Gerald sa kanya na, “I want you to be careful son, hindi ako nakikialam sa love life mo, pero ayaw kong masaktan ka.” Ayon kay Gerald wrong perception ito, at nasabi lang naman daw ito ng nanay niya kasi, “she’s seen me through my ups and downs.”

Subalit inamin din ni Gerald na sa simula ay naging mahirap din ang lagay sa pagitan ng nanay niya at ni Maja kasi mataas ang tingin ng nanay ni Gerald sa kanya bilang anak. Kaya naman sinasabihan daw niya ang nanay niya na mag-relax kasi hindi naman siya perfect.

Pangatlo, binato sa kanya ang tanong kung si Maja na ba ang “the one” at sinagot ito ni Gerald ng, “Unfair sa kanya kapag sinagot ko yan. I really want to keep this private, and see how long this will last going that way, because I’ve been in high profile situations and I’ve learned a lot. I’m trying to apply now kung ano yung mga natutunan ko.”

Pang-apat, babaero nga ba si Gerald? Sabi naman ng aktor, “I have a big heart, I have a great life and I love to share it with people and mas masarap talaga kapag in-love ka. Iginiit naman ng host na si Boy Abunda na sagutin niya ang tanong ng yes or no at sinabi ni Gerald na hindi siya babaero. Sa usapin naman ng fidelity ay inamin ni Gerald na, “I’ve made mistakes and I’m not going to deny it and it made me a better person.”

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.com