• Home
  • Fresh Scoops
  • Roxanne Cabanero on Vhong Navarro: 'May ginawa siyang kasalanan sa akin, ni-rape niya ako'

Roxanne Cabanero on Vhong Navarro: 'May ginawa siyang kasalanan sa akin, ni-rape niya ako'

Roxanne Cabanero says she wants to see Vhong Navarro in person as she faces the media during the case's preliminary investigation.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/13/2014 7:10 PM
Roxanne Cabanero on Vhong Navarro: 'May ginawa siyang kasalanan sa akin, ni-rape niya ako'


031314-kris_roxanne.jpgHumarap sa preliminary investigation kanina, March 13, 2014 sa Pasig Prosecutor’s Office ang legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga at ang nagsampa ng kasong rape laban sa komedyante na si Roxanne Cabanero at ang abugado niya na si Atty. Virgilio Battalla.

Hindi nakarating si Vhong sa piskalya kanina ngunit bago humarap ang dalawang panig sa imbestigasyon ay nagsalita ang dalawang kampo. Dumating si Roxanne Cabanero sa pag-aakalang darating ang inaakusahan nyang nanggahasa sa kanya at sinabing, “I am expecting him today but I am not sure if he is here. I want to see him.” At ang kanyang dahilan sa kagustuhang makita ang actor, “May ginawa siyang kasalanan sa akin, ni-rape niya ako! So that’s it. I have a lot of hate inside me right now and I am very emotional so I wanted to see that guy.”

Sa panibagong kaso na ito kasunod ng kasong rape na isinampa ng kampo ni Deniece Cornejo kay Vhong, kumakaharap ngayon sa matinding batikos si Roxanne lalo na sa social media patungkol sa paiba-ibang testimonya ng kanilang kampo tungkol sa nangyari. Aminado naman si Roxanne na apektado siya sa mga naririnig niya at nababasa. “It hurts. It really does hurt,” sabi ng former beauty pageant contestant.

Naging emosyonal na rin si Roxanne nang tanungin siya tungkol sa kanyang ipinaglalabang kaso. “Yes totoo naman yung pinaglalaban ko eh tapos yung lumalabas parang ako pa yung masama. Hindi ako nagsisinungaling, hindi ako pakawala. I’m here to find justice,” paliwanag niya.

At nang tanungin ang kanyang depensa sa kasong ito, ang kanyang natatanging sagot ay, “Yung katotohanan.”

Nauna na ring nagsalita si Atty. Batalla tungkol sa kinakaharap ng kanyang kliyente at sinabi nitong determinado ang kanyang kliyente sa kasong ito at patungkol sa kanyang mga bashers at mga hindi naniniwala sa kanya, ang sabi ng abugado, “Given na yan kasi alam niyo naman kung sino ang kalaban ni Roxanne.” Dagdag pa ni Atty. Batalla, “She is fine, takot pero dapat lumaban siya dahil nandito na siya sa stage na ito eh. So hindi na pupwedeng umurong na dito.”

May mensahe ding nais ipaabot si Atty. Batalla patungkol sa kaso. “Ang sagot ko kay Vhong Navarro, dinadala niya ang kaso sa media. He is resorting to trial by publicity, lahat ng mga witnesses niya kahit isang milyon pa ang counter affidavit na nandun siya sa Cavite walang kinalaman yun sa kasong isinampa namin kahit sino pa ang mag-execute ng affidavit.”

At naninindigan si Atty. Batalla na hindi nanggaling sa kanila ang April 24 kung kailan nangyari ang insidente. “No, we did not mention April 24”, at itinuturo na nanggaling ito sa abugado ni Vhong na si Atty. Mallonga. Dagdag pa ng abugado ni Roxanne, “The date is not an element in the crime of rape.” At kung tatanungin tungkol sa sinasabing concert sa Island Cove noong April 24, “This is a trial by publicity. Ikaw kung ang kliyente mo nandun sa magandang alibi, siyempre yun ang paninindigan mo. Alibi is the weakest defense ng lahat ng abugado yan kaya dun sila nagreresort ng depensa because that’s it.”