• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino reminisces James Yap's sweet gestures to her when they were still together

Kris Aquino reminisces James Yap's sweet gestures to her when they were still together

Kris Aquino recounts James Yap giving her a Hermes Birkin Bag when her mom was already dying to make her happy.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/13/2014 3:57 PM
Kris Aquino reminisces James Yap's sweet gestures to her when they were still together


031314-kris_main.jpgSa Thursday episode ng Kris TV kung saan kasama niya sa isang food trip sa Malate sina Pooh at Erich Gonzales, napag-usapan nila kung ano ang pinaka-sweet na naggawa sa kanila ng isang tao.

Para kay Erich, ang oras na inilalaan sa kanya ng kanyang karelasyon ang pinaka-sweet na naggawa sa kanya, “For me talaga, yung pagbigay niya ng oras yun yun. Sweet yun for me kasi that’s something na hindi mo maibabalik kasi yung oras mo very precious lang yun kasi for someone who is very busy para ibiga yun.”

Kaya naman nang matanong naman ni Erich at Pooh ang Queen of All Media kung ano ang natatandaan niyang pinaka-sweet na naggawa sa kanya ng isang tao, napatigil si Kris at nag-isip, ngunit isang rebelasyon ang lumabas sa kanyang bibig nang sagutin nito ang tanong ng komedyante. “Siguro nung ano, last wedding anniversary namin na dying na talaga ang Mom ko at alam talaga ni James na malungkot na malungkot ako. Kahit ano talaga, kuripot siya pero talagang gastos siya binilhan niya ako ng Birkin.”

Ang Birkin na binanggit ni Kris Aquino ay ang Hermes Birkin Bag na sinasabing nagkakahalaga ng 2-2.5 million pesos. Dagdag pa ni Kris, “I mean that was near the end pero sinabi ko, ‘Oh my god parang naalala ko sinabi niya na I know kung gaano ka-sad ka so para at least may konting happiness naman dito. That was my first kasi hindi ako bumibili talaga kasi feeling ko kasalanan. Alam ko it was a material thing but it was the thought behind the material thing.”

Sikat man ang mamahaling brand na ito, aminado si Kris na ito ang kanyang kauna-unahang Hermes Bag, “I didn’t have kasi bawal sa Mom ko, parang ayaw ng Mom ko kapag may orange box, pinagbabawal ng Mom ko dati, after na lang ako nagkaroon kasi sabi ng Mom ko hindi daw talaga makatarungan to spend that amount on a bag pero yun yung first nanggaling dun, that was July 22, oo yun. Kung tinatanong niyo ako number one, mahal siya talaga siguro isang buwang sweldo niya talaga yun. Secondly, hindi naman niya trip talaga pero alam niyang paliligayahin ako.”

Kwento pa ni Kris tungkol dito, “Naalala ko ano, tumawag pa sila kay Gretchen [Barretto] para magtanong kung saan bibili kung sino yung ano…”At biglang dinugtungan ng head writer ng Kris TV na si Darla Sauler kung anong kulay, agad na sinagot ni Kris, “Fuchsia! Pero nung naghiwalay kami tinrade-in ko. Oh my god! Sorry! At least I am being honest kasi para wala na lang ano.” At inamin ni Kris na sa pagkwento niya nito ang unang pagkakataon na malaman din ni James ang nangyari. “Ngayon lang! Hindi wala na, ‘di ba move on, move on na tayong lahat para hindi awkward.” 

Maging si Pooh at natuwa sa ginawang ito ng dating asawa ni Kris. “Ang cute, hindi yung effort na lang na yun yung tumawag [kay Gretchen] para malaman.” Na sinang-ayunan din ni Kris. “Yes, kung ano yung type at saan makakabili tapos alam nay un yung pink nay un ang gusto ko tapos pinalitan ng ibang pink para hinid na ako sad kapag ginagamit ko.”

Dagdag pa ni Kris, may isa ding mamahaling ni regalo sa kanya ang dating asawa, “May isa pa, in fairness naman diyan kasi Aquarius siya kaya siguro may sweetness na ano, yung last birthday naman that was 2010… it was a watch na pink yung face, Rolex. Tapos nakalagay dun, I remember din that card. Siguro nung time nay yun pa-five years, so ‘Thank you for that 5 years’ parang ganun, ‘So you’ll always para parati mo akong maalala.’ Tapos tinrade-in ko din,” ang natatawang pag-amin ni Kris. Dagdag pa niya, “Lahat inamin ko na, sorry, pinalitan ko na din… nag-upgrade din ako at least alam nila ‘di ba. Ganyan yun, move on, move on na!”

Kaya naman sa tanong ni Pooh na, “Ayaw mo ng may souvenirs?” ang sagot ni Kris dito, “Move on talaga kung move on. And at least hindi ko na masusuot para walang awkwardness kaya lahat ng sinusuot ko galing sa akin.”

Lahat ng ito ay kasunod ng naging pagkakasundo nila ni James Yap pagdating sa kustodiya ng kanilang anak na si Bimby noong nakaraang Linggo kung saan nagkita sila at nagkaayos matapos ang halos isang taong hindi pagkakasundo.

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.com