Luis Manzano reveals his political and marriage plans

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/13/2014 6:40 AM
Luis Manzano reveals his political and marriage plans


031314-luis_main.jpgAminado si Luis Manzano sa Aquino & Abunda Tonight na may balak siyang sumabak sa politika ngunit bago niya gawin yun ay kailangan daw muna niya mag-aral. Hindi niya kinompirma kung ngayong 2016 na siya tatakbo, ngunit malaman ang kanyang sagot na, “malay natin bukas na ako mag-aral.” At kung sakali man ay sa posisyong mayor muna niya gusto magsimula kasi marami pa siyang kailangan matutuhan.

Naambunan diumano siya ng kanyang magulang ng magic na makapagpasaya at makapag-impluwensiya ng mga tao. Noong una daw siya ay “intrigued” sa ganitong kakayahan ng kanyang mga magulang at na-realize niya na hindi lahat ay nabibiyayaan ng ganitong blessing.

Ang kanyang ina daw na si Governor Vilma Santos ay full support sa kanyang planong pampolitika at advice rin sa kanya na mag-aral muna siya. Maging sa kanyang love life ay full support si Gov. Vi. Kwento ni Luis, nang dumalaw si Angel Locsin sa bahay nila sinabi ni Gov. Vi na, “Angel, you’re home.” At sa sobrang kilig daw ni Gov. Vi sa kanila ni Angel ay nagpa-autograph pa ito sa kanila.

Matunog din ang issue na magpapakasal na sila ni Angel. Inamin ni Luis na “doon na rin naman papunta yun.” Nakapagtanong na rin si Luis kay Kris Aquino tungkol sa presyo ng mga singsing. Biro ni Luis, sa adoration chapel na lang sila magpapakasal ni Angel dahil nagulat siya sa sobrang mahal ng mga engagement rings.

Malaki diumano ang posibilidad na magpo-propose na siya ngayong taon. Ngunit kailangan pa niyang isipin kung ito ay magiging short engagement. Kung magiging short engagement man daw ay parang “making up for time lost” lang ito. Sang-ayon dito si Boy Abunda, kasi unique diumano ang love story ni Angel at Luis.

Binuking din ni Kris ang naging pangako ni Angel kay Luis. Ayon sa host, ito daw ang sinabi ni Luis kay Angel, “Once we get married, it will be your option. You will have two years whether you’ll work or not, kasi gusto ko naman na ‘wag mong problemahin ang sarili mo at ang pamilya mo.”  

Pinaliwanag ni Luis kung bakit binibigyan niya ng option si Angel, “Angel has been working so hard for her family. I want her to relax, I’ll do the working. If she decides to work again for the family go ahead, pero gusto kong maranasan naman niya na hawak niya ang schedule niya. Gusto ko, she can enjoy everything life has to offer.”

Mayroon din daw nalalapit na exciting project si Luis sa ABS-CBN.

WATCH THE VIDEO ON ABS-CBN.COM