• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino: 'Feeling ko mas marami akong mami-miss out kung hindi ko siya makasama'

Yeng Constantino: 'Feeling ko mas marami akong mami-miss out kung hindi ko siya makasama'

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/12/2014 6:50 AM
Yeng Constantino: 'Feeling ko mas marami akong mami-miss out kung hindi ko siya makasama'


031214-yeng_main.jpgSa Aquino Abunda Tonight, napansin kaagad ng host na si Kris Aquino ang interlocked fingers ni Yeng Constantino at Yan Asuncion na ang ibig sabihin daw ay “we’re in this together.” Noong Sabado ipinaalam ng dalawa via social media ang kanilang engaged status.

Ang una nilang date ay sa isang kapehan sa The Fort, at dito rin naganap sa grounds ng the Fort, mga ala-una ng hapon, ang naging proposal ni Yan kay Yeng. Kaya masayang konklusyon naman ni Kris ay, “Coffee has romance talaga.” 

Eight months pa lang na magkasintahan si Yeng at Yan, ngunit sinabi ni Yan na, “Sobrang decided na ako that I want her to be my future wife.” Bago pa man daw ang first date nila ay talagang gustong-gusto na niya si Yeng. Si Yeng naman, inamin na crush na rin niya noon si Yan.

Ngunit  hindi puro love ang tinahak ng relationship nila. Noong una ay tatlong beses busted si Yan kay Yeng kasi hindi sila magkaintindihan. Si Yeng daw ay ma-text at expressive na tao, habang si Yan naman ay shy at nagte-text lang tatlong beses sa isang araw. Paliwanag naman ni Yan na hindi talaga siya ma-text na tao at kapag nag-text siya it means na nag-effort na talaga siya noon.

Inamin din ng dalawa na ang first two months ng pagsasama nila ay puro away kasi inaalam pa nila ang lengwahe ng pagmamahal ng bawa’t isa. Si Yan ay mahawak na tao at si Yeng naman ay pinaparamdam ang pagmamahal sa pamamagitan ng salita. Kaya ngayon daw panay na ang hawak ni Yeng kay Yan to show her love at si Yan naman sanay na rin na kinakausap siya. In fact, kaya raw nila mag-usap ng seven hours sa telepono.

Nagkaroon man ng rocky two months, ayon kay Yeng unang buwan pa lang alam na nila ang purpose ang kanilang relationship. Dagdag ni Yeng, three months ago nagkaroon siya ng fears sapagka’t siya ay 25 years old pa lamang at ang mga kapwa celebrities niya e gusto muna maging successful with their careers bago magpakasal. Ngunit, “the past two weeks sinasalat ko ang heart ko at may na-feel ako na I’m not afraid anymore. Kung feeling ng iba na marami akong mami-miss out, feeling ko mas marami akong mami-miss out kung hindi ko siya makasama.” 

Ang theme song ni Yeng at Yan ay “I Won’t Give Up” ni Jason Mraz at ang plano nilang kasal ay sa garden o sa beach.

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.COM