Mahusay na aktor, lasing at nangutang ng P2500

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

3/11/2014 11:00 PM
Mahusay na aktor, lasing at nangutang ng P2500


031214-ogie.jpgExcited na excited pa naman ang isa sa mga Dekada awardees sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies, pero naudlot ang excitement na 'yon nang i-approach siya sa backstage ng Solaire Grand Ballroom ng isang staff ng coffee shop sa lobby ng naturang hotel. Inabutan siya ng bill na ang halaga ay P2,500. Ang kaso, nakakalokah. Parang ni singkong duling yata ay wala siyang makapa sa kanyang bulsa, kaya kung kani-kanino na siya lumapit para idayalog ang, "Pahiram naman ng P2,500, wala ako dito, eh. Bayaran ko na lang sa 'yo, tawagan kita" habang nakaabang lang sa kanya ang waiter ng lobby.

Lasing na nu'ng dumating sa Gabi ng Parangal ang naturang mahusay na aktor, at true enough, kaya pala inabot ng P2,500, dahil nga nagpakalango sa alak bago umakyat ng entablado. Ang ending: nanghiram sa isang movie reporter kasama ang pangakong babayaran din niya. Pero good luck, ha? Dahil ako nu'ng araw, sinalo ko rin 'yang batang 'yan sa bill niya nu'ng siya'y nagpakalasing naman sa Friday's Morato, pero hindi rin naibalik sa akin ang P2,000 na hiniram niya. Pero ayos lang naman, bigay ko na 'yon sa kanya. Kaso nga, ang utang ay utang. O ang borrow ay borrow!

Ang akala ko ay nag-behave na sa kalalaklak ng alak ang batang ito, hindi pa pala, 'no? Sayang, kahit gaano ka kagaling ay nababalewala kung ikaw ay may bisyo. Bisyo ng alak at pagba-borrow!