• Home
  • Fresh Scoops
  • Melanie Marquez on her grammar: 'So what? I'm not an American, Filipino po ako!

Melanie Marquez on her grammar: 'So what? I'm not an American, Filipino po ako!

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/11/2014 6:50 AM
Melanie Marquez on her grammar: 'So what? I'm not an American, Filipino po ako!


031114-melanie.jpgSa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, gagawing inspirasyon ni Melanie Marquez sa pagawa ng libro ang mga panlilibak sa kanya dahil sa mali-mali niyang pag-Ingles. Ito ay matapos mag-trending ang kanyang interview tungkol sa kanyang car accident, kung saan sinabi niya na, “pwede ako ma-parasite sa car accident na nangyari sa akin.” Ang ibig niya talagang sabihin ay “ma-paralyze” at hindi “ma-parasite.”

Kamakailan, naghurado sa Festival of Lights sa Tanauan, Batangas si Melanie at diumano magandang therapy ito para sa kanya dahil nakikita niya ang mga “kababayang nakangiti.”

Ang libro ay quotable quotes ng mga mali at nakakatawang pag-Ingles ni Melanie. Bukod dito, may underlying theme ang libro tungkol sa pagsisikap at pagiging totoo sa sarili. Ayon sa ulat, mahaba-haba na rin ang listahan ng quotable quotes ni Melanie mula pa sa Binibining Pilipinas 1979 kung saan sinabi niya na siya ay, “contented with my long-legged.” Ang iba pang kabilang sa listahan ay, “why should I have a calling card I’m not a call girl” at “I don’t eat meat, I am not a carnival.”

Pinagmamalaki naman ni Melanie na isa siyang Pilipino. “So what? I’m not an American, Filipino po ako!”  Dagdag pa niya, “It’s good also to laugh at yourself. As long as I can express myself and you guys can understand me, It doesn’t matter.”

Nilinaw din niya na hindi siya hiwalay sa kanyang mister na si Adam Lawyer at siya raw ay “very much in love” dahil bakla siya kung umibig.

WATCH THE VIDEO ON ABS-CBN.COM