• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga shares her parents' reaction to her love scenes in 'Starting Over Again'

Toni Gonzaga shares her parents' reaction to her love scenes in 'Starting Over Again'

Toni Gonzaga says that her parents believe that her love scenes were done well in 'Starting Over Again.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/2/2014 12:30 AM
Toni Gonzaga shares her parents' reaction to her love scenes in 'Starting Over Again'


030214-tONI_MAIN.jpgNakakwentuhan ng Push.com.ph si Toni Gonzaga tungkol sa ganda ng reaksiyon ng mga tao sa Starting Over Again. Ngayon ba ay mas conscious na ang Multimedia Star na mahigitan o mapantayan man lang ang tagumpay na nakuha ng pelikula kasama si Piolo Pascual?

Siguro sa sandaling panahon o matagal-tagal na panahon na naging part ako ng Star Cinema family, naka-experience na ako ng kumita, ng tama lang, ng okay lang na kita so parang yung mga ganitong klaseng blessing parang mas alam ko na kung paano siya ihandle kasi alam ko naman na minsan talaga it doesn’t really happen everyday. So when we are given this kind of blessing, talagang sobrang yung gratefulness, parang wala na akong ineexpect. Kapag gumagawa ako ng project pinagdadasal ko na lang kung paano tatanggapin ng mga manonood. ‘Lord kayo na po ang bahala.Ang hirap kasi nung bata ako, I always like to expect and when I matured dumating na ako sa age ng maturity I have learned to trust God and everything will be according to his will. So ngayon talaga sobra-sobrang thankful.”

Usap-usapan sa social media si Toni at karamihan sa mga kumento ay sa galing at kakaiba niyang naging pagganap sa pelikula, mag-aasawa na diumano ang aktres. At ang reaksiyon ni Toni dito, “Hindi. Dapat lang naman na ibigay na ang lahat kasi si Direk Olive Lamasan minsan lang gumawa ng pelikula at she said yes to this kind of project na ma-direk ako so parang she deserves it from me and this project deserves it from me that I give something new, I give something different to my audience because I think yung mga aktres dapat they mature. Not in a way that they shed clothes, they bare their skin, maturity when it comes to attacking roles and portraying characters ganyan.

Sa mga positibong reviews na nakuha ni Toni dito, nakikita niya rin ba ang posibilidad na makatanggap ng acting award? “Ever since na gumawa ako ng pelikula, never ko natahak yung landas na ‘yun na magiging best actress ako. Basta ako I just love doing films and portraying roles and characters, hindi ko siya gino-goal na makapag-uwi ako ng award. Kung maibigay siya sa akin ni God it is another blessing, tatanggapin ko ng buong-buo. Wala sigurong artista na hindi gustong magka-award pero just the same na kung ano ang maibigay sa akin I’m just really grateful sa reception ng tao sa pelikula. Kung may award man maraming maraming salamat, bonus na bonus na talaga.”

Kilala ang mga magulang ni Toni na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na strikto pagdating sa paggawa ng love scenes. Ngunit sa pelikulang ito ay pumayag si Toni na gawin ito at ibinahagi niya ang naging reaksiyon ng kanyang mga magulang dito. “Parang nakalimutan nila agad yung dalawang heavy na scenes na semi love scene. Parang nakalimutan nila sa bigat at ganda nung pelikula. Sabi nila nacompensate naman. Hindi naman siya ganun kahalay as expected kasi yung ginagawa namin tinatakot ko na sila kaya sobrang iba yung inexpect nila kaya yung nakita nila okay naman sa kanila.”