• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa Aquino and Abunda Tonight, nag-kwento si Aiza Seguerra kung papaano siya nag-propose sa kanyang fiancTe na si Liza Dino noong February 7, 2014.

Aiza Seguerra composed a song for Liza Dino when they first met

Sa Aquino and Abunda Tonight, nag-kwento si Aiza Seguerra kung papaano siya nag-propose sa kanyang fiancTe na si Liza Dino noong February 7, 2014.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/01/2014 08:43 AM
Aiza Seguerra composed a song for Liza Dino when they first met
022914-AAT_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nag-kwento si Aiza Seguerra kung papaano siya nag-propose sa kanyang fiancée na si Liza Dino noong February 7, 2014. Nag-produce ng play si Aiza sa UP Diliman at kasama sila ni Liza sa cast nito. Inayos ang play na kasama sa bandang dulo ang kanyang proposal at wala raw kaalam-alam si Liza na lahat ng ito ay orchestrated para sa proposal ni Aiza sa kanya.

Isa diumano si Kris Aquino sa mga unang nakaalam sapagka’t nagtanong si Aiza kay Kris kung ano ang magandang singsing na gagamitin sa kanyang proposal. Ang napili ni Aiza ay isang sapphire ring dahil ito ang gustong bato ni Liza.

Sinabi rin ni Aiza na alam niya na si Liza na ang kanyang pakakasalanan sapagka’t sa dinami-dami ng kanyang naging relasyon, “She’s the person na naramdaman ko na masaya man o hindi maging okay, kung ano man ang mangyari I’m willing to fight for her and I want to fight for her.”

Nang sabihin daw niya sa kanyang pamilya ang plano niya, akala pa raw niya magiging violent ang reaction ng mga ito. Pero ang tanging tinanong sa kanya ng kanyang pamilya ay, “handa ka na ba?” Ngayon lang din si Aiza naging ganito ka-open sa lahat ng mga karelasyon siya. Sinabi ni Boy Abunda na kahit noon hindi nagpapaunyak ng interviews si Aiza pagdating sa kanyang love life.

Nagkakilala sila ni Liza noong pareho silang nasa “crossroads” sila ng buhay nila at kahit noon pa man ay may isinulat ng kanta si Aiza para sa kanya. Ang unang linya ng kanta ay, “whether to stay or walk away, hoping you’ll be mine someday.”

Sinabi ni Kris na sa isang misa, naging parte ng sermon ng pari si Aiza. Ayon kay Aiza, handa siya kahit hindi lahat ay matatanggap ang pagmamahalan nila. “Hindi ko lang alam bakit people look down on LGBT, kahit totoo yung pagmamahal na binibigay natin.” Nagpasalamat din sa kanya si Boy kasi isinusulong nila ni Liza ang karapatan ng LGBT community.

Ang theme song nila ni Liza ay “Araw Gabi” ni Ryan Cayabyab at kinanta niya ito kay Liza. Ang naiiyak na Liza ay ibinahagi na galing na din siya sa maraming relationships pero alam niya na si Aiza ang para sa kanya sapagka’t, “you come to a point where you know what you want already, and when I met her I found everything that I’m looking for in a person and more.”

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.com