• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi alam ng marami na si Tado ay isang proud Pinoy na mahal na mahal ang bansang Pilipinas, kaya panay ang kanyang pakikibaka para sa mga naaapi.

Pag-alala sa ating kaibigang si Tado

Hindi alam ng marami na si Tado ay isang proud Pinoy na mahal na mahal ang bansang Pilipinas, kaya panay ang kanyang pakikibaka para sa mga naaapi.

BY
Push Team

FRESH SCOOPS

02/10/2014 02:28 AM
Pag-alala sa ating kaibigang si Tado
021014-tado_mainphoto.jpgIsa ang komedyanteng si Tado sa 14 na namatay sa nahulog na Florida Bus sa bangin na may lalim na 120 feet.  Patungo sana si Tado sa Mountain Province kasama ang iba pang production team para kumpletuhin ang 40 Mountains na aakyatin niya bilang 40th birthday gift niya sa sarili sa March 24.

Naikuwento ng isa sa mga kaibigan ni Tado sa amin na hindi na nila makilala si Tado nu'ng alisin nila ang nakatakip na kumot dito sa ospital ng Baguio, "Dahil kung yayakapin mo si Tado, madudurog na siya.  Kasi napuruhan talaga siya, Ogs, at para siyang na-flat."

Hindi na namin kayang isulat pa ang ilang paglalarawan sa mga labi ni Tado, dahil lalo lang kaming nalulungkot at wala namang magagawa din ang aming pagkahabag, kung ‘di ang makiramay na lamang sa mga naulilang misis at apat na daughters ni Tado.

Isa sa mga talents ko si Tado.  Na-discover ko siya nu'ng lumalabas siya sa “Strangebrew” kung saan puro kalokohan sila ng lady co-host niyang si Erning.  Mula noon, nagkaroon siya ng mga shows sa ABS-CBN hanggang sa mag-concentrate siya sa pagiging social activist at sa kanyang negosyong “LimiTADO” kung saan nagbebenta siya ng mga novelty items at mga shirts na tinawag nitong "Dressed To Kill" na may mga naka-print na quotes na orihinal na produkto ng kanyang mayamang utak. 

Hindi alam ng marami na si Tado ay isang proud Pinoy na mahal na mahal ang bansang Pilipinas, kaya panay ang kanyang pakikibaka para sa mga naaapi.

Ang kanyang Instagram account na dati'y 728 lang ang huling bilang ng followers niya ay sumampa na sa 20k, dahil dito bumaha ng pakikiramay at pagkalungkot.  

Sa ngayon, ang kanyang mga labi ay nakalagak sa Paket Funeral Homes sa kanto ng Gomez at Dela Paz Streets, Brgy. San Roque, Marikina at nagbukas ang public viewing ganap na 2pm ngayong February 9.

Mami-miss ka ng mga fans mo, Tads!